Pang. Duterte, inaprubahan ang one-time P20,000 cash assistance para sa EC pensioners ng GSIS at SSS

Imahe mula sa PCOO
  • Pagkakalooban ng one-time P20,000 financial aid ang mga GSIS at SSS pensioners na nasa ilalim ng Employee’s Compensation Program
  • Tinatayang aabot sa 31,000 EC pensioners ang mabibigyan ng one-time financial aid
  • Ang pagbibigay ng one-time P20,000 financial aid ay nakapaloob sa AO No. 39 na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Lunes, April 19

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Employee’s Compensation Commission (ECC) na pagkalooban ng one-time financial assistance na nagkakahalaga ng P20,000 ang mga qualified pensioners ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) sa ilalim ng Employee’s Compensation (EC) Program.

Logo ng GSIS at SSS mula sa Facebook

Noong Lunes, April 19, ay nilagdaan ng Pangulo ang Administrative Order (AO) No. 39 na nagbibigay ng kapangyarihan sa ECC na pagkalooban ng nabanggit na halaga ang tinatayang nasa 31,000 EC pensioners ng GSIS at SSS.

“The adverse effects of the pandemic on the economy, supplementary health necessities for the battle against the virus, and restrictions imposed on our mobility and social interaction, have increased the financial and health burdens experienced by the EC pensioners. The ECC is hereby authorized to grant a one-time financial assistance of PHP20,000 to EC pensioners for permanent partial disability, permanent total disability and survivorship, in the private and public sectors, subject to the availability of funds and pertinent laws, rules, and regulations,” saad ng AO. No. 39.

Ang EC Program ay isang programa ng  gobyerno na idinesenyo upang magbigay ng compensation package sa public (GSIS) at private (SSS) employees o sa kanilang dependents sakaling ang mga empleyado ay nagkasakit, naaksidente o nasawi habang ginagampanan ang kanilang trabaho.

Imahe mula sa ECC

Ayon pa sa AO No. 39, Ang ECC, sa pakikipag-ugnayan sa SSS at GSIS, ay mag-iisyu ng implementing rules and regulations na kinakailangan para sa epektibong pagpapatupad ng order.

Source :

PNA, ABS-CBN

Loading…