Pang. Duterte inatasan ang FDA na suriing mabuti ang Ivermectin kung ligtas kontra COVID-19

Imahe mula sa RebelEm
  • Inatasan ni Pang. Duterte ang FDA na suriing mabuti ang Ivermectin na sinasabing mahusay kontra COVID-19
  • Sa kasalukuyan, ang Ivermectin ay rehistrado sa FDA bilang anti-parasitic medication para sa mga hayop
  • Hinikayat naman ni Sen. Bong Go ang IATF na maging bukas sa mga suhestyon mula sa private sectors at health advocates

Isiniwalat ni Senator Christopher “Bong” Go na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Food And Drug Administration (FDA) na suriin at pag-aralang mabuti ang mga sinasabing mga medikasyon na mabuti umano kontra sa COVID-19, kabilang na ang Ivermectin.

Imahe mula sa Tribune

“May mga suggestion, may mga gamot na nadiskubre at pinaparating niya agad sa FDA para pag-aralan…Sabi nga ni Pangulong Duterte, kung makakatulong naman ay welcome ito para sa kanya. Siguraduhin muna natin na safe ito dahil buhay ng bawat Pilipino ang nakataya,” pahayag ni Sen. Go.

Ilang mambabatas, doktor at mga personalidad kabilang ang beteranong broadcast journalist na si Raffy Tulfo at abogadong si Larry Gadon ang nagsasabing nakatutulong ang Ivermectin para ibsan ang mga sintomas ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, ang Ivermectin ay rehistrado sa FDA bilang anti-parasitic medication para sa mga hayop.

“Pinagsabihan si FDA Director General Eric Domingo na pag-aralan at siguraduhing safe ang Ivermectin at pwedeng gamitin ng tao. So, antayin na lang natin. Parati naman namin pina-follow up si Domingo at mayroon nang mga nag-aapply,” sabi ni Sen. Bong Go.

Nagbigay ng paglilinaw si Sen. Bong Go, na chairman ng Senate Committee on Health and Demography, na hindi niya partikular na inirerekomenda ang Ivermectin o ano pa mang gamot kontra sa COVID-19.

Imahe mula sa Shopee

Ang nais niya raw ay maging bukas ang gobyerno na makipagdayalogo sa mga nagsusulong ng mga naturang gamot at bilisan ang pagsasagawa ng mga scientific studies sa mga iyon.

Hinikayat rin ng senador ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na maging bukas sa mga suhestyon mula sa private sectors at health advocates.

Loading…