Pangulong Duterte ‘fit and healthy for his age’ – Palasyo

Screenshot mula sa RTVM Facebook video
  • Nananatiling malusog si Pangulong Rodrigo Duterte ayon sa Malakanyang
  • Pinasalamatan din ng Palasyo ang mga Pinoy dahil sa patuloy na pagtitiwala kay Duterte
  • Halos kasabay ito ng inilabas na mga larawan ni Sen. Bong Go kasama ang ‘nagtatrabahong’ Pangulo

Iginiit ng Malakanyang nitong Huwebes na nananatiling ‘fit’ at malusog si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng mga haka-hakang may problema ito sa kalusugan matapos kanselahin ang kaniyang regular na ‘Talk to the People’ ngayong linggo.

Sa isang pahayag sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpapasalamat din ang presidente dahil sa pag-aalalang ipinakita ng publiko sa kalusugan ng presidente kahit maayos naman ito ngayon at patuloy na ginagawa ng kaniyang tungkulin.

Imahe mula kay Harry Roque

“President Rodrigo Roa Duterte remains fit and healthy for his age and we thank the Filipino people for voicing their concern and wishing the Chief Executive’s strength and good health during this time of COVID-19 pandemic as he continues to discharge his functions as head of the government,” ani Roque.

Pinasalamatan din ng Palasyo ang tiwalang patuloy na ibinibigay ng mga Pinoy base sa pinahuling survey na lumabas.

“We likewise express our gratitude to the Filipino people for making President Duterte the most approved and the most trusted national public official in the country with 65% approval rating and 55% trust rating, respectively, according to an independent non-commissioned survey conducted from March 20 to 29, 2021,” ayon pa sa kalihim.

Imahe mula sa Facebook post ni Sen. Bong Go

Ang pahayag ng Malakanyang ay halos kasabay ng inilabas na mga larawan ni Senador Bong Go kung saan makikita si Pangulong Duterte na nasa harap ng kaniyang mesa at ‘tambak’ umano ang trabaho.

Pinasaringan pa ni Go ang mga naghahangad ng masama sa kalagayan ni Duterte. Aniya, “’Wag muna kayo mag celebrate!! Nandito lang si Tatay Digong. Tambak ang trabaho.”

Sec. Martin Andanar| Imahe mula sa PCOO

Naglabas din ng pahayag si Communications Sec. Martin Andanar para kondenahin ang kumalat na tsismis sa social media tungkol sa ‘karamdaman’ raw ng 76-anyos na lider ng bansa.

“As easy as it may be for some people to blame the government for any mishap, even the surge in COVID-19 cases, these attempts to wish and to ponder ill intent, and worse, death to anyone, especially to the President of our country, are foul and tasteless, even if meant in jest,” wika ni Andanar.

 

Loading…