Pasilidad para sa pasyenteng may mild at moderate COVID-19 cases itinatayo sa Luneta Park

Imahe mula sa Manila PIO
  • Sinimulan na ang pagtatayo ng 336-bed facility para sa mga pasyenteng may mild at moderate COVID-19 sa Luneta Park
  • Itatalaga sa pasilidad ang 150 health professionals
  • Inaasahang matatapos ang pasilidad sa loob ng dalawang buwan

Sinimulan na ang pagtatayo ng isang mega field hospital para sa mga pasyenteng may mild at moderate symptoms ng COVID-19 sa Luneta Park sa Lungsod ng Maynila sa layuning ma-decongest ang mga pagamutang umaapaw na sa COVID-19 patients.

Imahe mula sa Manila PIO

Nagsagawa na ng groundbreaking ceremony para sa proyekto noong Martes, ika-20 ng Abril, sa pangunguna ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Ang itatayong pasilidad na nagkakahalaga ng P156 million ay kayang makapagbigay ng serbisyo sa 336 na pasyente. Inaasahang matatapos ito sa loob ng dalawang buwan.

“We have some way of how to heed the call of the national government para ma-unclog ‘yung ating hospital capacity at mabawasan ‘yung mga insidenteng namamatay sa triage or tent or parking space,” anang alkalde.

Nilinaw ni Mayor Isko Moreno na ang pasilidad ay bukas hindi lang para sa mga Manilenyo kundi sa lahat ng mga pasyenteng  may mild at moderate symptoms ng COVID-19.

“We will approach this inclusively because this is a universal problem,” aniya.

Tinatayang nasa 150 health professionals ang itatalaga sa pasilidad na may laking 4,402 square meters. Gagamit ng mga shipping containers para gawing patient wards at living quarters ng mga health workers.

Screenshot mula sa News Force video

Kung kakailanganin, maaari pang madagdagan ng 100 beds ang pasilidad.

“The City is likewise keen on expanding the facility’s bed capacity should the need arise. We will try to equip them so that they can continue to serve with efficiency and with the help of diagnostic machineries, may awa ang Diyos, sana marami tayong mag-survive,” sabi ni Yorme.

Magtatayo rin ang city government ng 60-bed intensive care facility para sa severe at critical cases ng COVID-19.

Imahe mula sa Manila PIO
Source :

Sunstar, ABS-CBN

Loading…