Payo ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach: “Save your energy to the moments that matter”

  • May payo si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kapwa pageant contestant na maaari ding i-apply sa pang-araw-araw na pamumuhay
  • Ito ay ang ituon ang enerhiya at panahon sa mga bagay na mas may kabuluhan at halaga
  • Ito ay batay sa kanyang karanasan bilang kandidata ng Pilipinas sa nasabing international pageant noong 2015

Isa sa pinakapinag-usapang tagumpay ng Pilipinas sa Miss Universe ay ang panalo ng pamabato natin noong 2015 na si Pia Wurtzbach. Naging matunog ito dahil sa maling pag-anunsiyo ng host na si Steve Harvey ng panalo.

At dahil nalalapit na muli ang Miss Universe pageant, lumabas sa social media ang isang panayam ng kapuwa beauty queen na si Shamcey Supsup kay Pia. Ito ay tungkol sa payo niya sa mga aspiring beauty queen na maaari ding isagawa sa araw-araw na pamumuhay.

Larawan mula sa YouTube

Inilahad ni Pia sa video na nire-upload ng Facebook page na Pageant Mag Phils na noong nasa USA siya para lumaban sa Miss Universe pageant ay isa sa mga naging estratehiya niya ay ang paggamit ng kanyang energy sa tamang oras at panahon.

Pinipili raw ni Pia kung saang moments at events siya ng pageant magbubuhos ng panahon at enerhiya dahil hindi naman daw sa lahat ng oras ng kanilang pananatili sa pageant ay mayroon nang judges.

Dahil din daw rito, nagugulat din daw niya ang ibang kandidata na hindi ramdam ang presensiya niya madalas, puwera sa mga panahong bahagi na ng kompetisyon at may judges na.

“Yung energy mo, yung lakas mo… I-save mo siya to the moments that really matter, like the preliminaries and the finals night,” hayag ni Pia na nakatatlong sabak sa Binibining Pilipinas pageant bago nakuha ang Miss Universe crown.

“Tapos yung ibang girls… ‘My g0sh andyan ka pala…’ Hindi ka nila napansin,” pagpapatuloy ni Pia sa kanyang panayam na maaari ding magamit sa araw-araw na pakikibaka sa buhay.

Larawan mula sa YouTube

Rebelasyon pa ng 31-anyos na half German beauty, noong panahon niya raw sa Miss Universe ay nababatikos siya dahil wala siyang madalas na update sa social media. Naparatangan pa nga raw siyang hindi sineseryoso ang laban dahil mas maraming post sa social media ang mga kalaban niya.

Paliwanag ni Pia, hindi naman daw social media ang judge kaya hindi siya nagpo-post noon. Habang ang ilang kandidata raw ay abala sa pagpo-post, pinanonood niya raw ang mga ito upang malaman kung sino ang kalaban niya.

Panoorin ang payanam kay Pia:

Loading…