Perseverance rover ng NASA tagumpay na nakagawa ng oxygen sa planetang Mars

Imahe mula sa NASA
  • Tagumpay na nakagawa ng oxygen sa Mars ang Perseverance rover ng NASA
  • Gamit ang instrumentong MOXIE, nakagawa ito ng 5 grams ng oxygen
  • Ang MOXIE na sinlaki lang ng car battery ay idinisenyo na makagawa ng 10 grams ng oxygen kada oras

Inanunsyo ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang napakalaking achievement na nagawa ng Perseverance rover.

Imahe mula sa NASA

Ayon sa NASA, nagawa ng six-wheeled robot  na ma-convert sa oxygen ang carbon dioxide sa Martian atmosphere. Ito ang kauna-unahang  oxygen na nagawa sa ibang planeta. Naganap ito noong April Martes, April 20.

“This is a critical first step at converting carbon dioxide to oxygen on Mars,” sabi ni Jim Reuter, ang associate administrator ng space technology mission directorate ng NASA.

Ang oxygen ay nagawa gamit ang instrumento na tinatawag na Mars Oxygen In-Situ Resource Utilization Experiment o MOXIE. Kasinlaki lang ito ng isang car battery  na nakalagay sa front right side ng Perseverance rover.

Sa paggawa ng oxygen, gumagamit ang MOXIE ng electricity at chemistry para mapaghiwalay ang carbon dioxide, na binubuo ng isang carbon atom at dalawang oxygen atom. Ang byproduct nito ay carbon monoxide.

Limang gramo lang ng oxygen ang nagawa ng MOXIE na katumbas ng 10 minutes ng breathable oxygen na maaaring magamit ng isang astronaut.

MOXIE/Imahe mula sa NASA

Magsasagawa ng ilang test runs ang mga engineers na nagdisenyo ng MOXIE upang subukan na mapataas pa ang produksyon niyon. Ang instrumento ay idinesenyo para makagawa ng 10 grams ng oxygen kada oras.

Ayon kay MIT engineer Michael Hecht, ang malaking bersyon ng MOXIE na tumitimbang ng isang tonelada ay kayang makagawa ng tinatayang 55,000 pounds ng oxygen na kakailanganin ng isang rocket upang makalipad mula sa Mars.

Ang Perseverance rover ay inilunsad noong July 30, 2020 at lumapag sa Mars noong February 18, 2021. Ang misyon nito ay maghanap ng palatandaan ng ancient life at mangolekta ng mga Martian rocks na ibabalik sa Earth.

Noong nakaraang linggo ang Ingenuity,  ang mini helicopter na sakay ng Perseverance rover, ay gumawa ng kasaysayan bilang unang controlled, powered flight sa Mars. Lumipad ito sa taas na sampung metro at tumagal sa ere ng 39.1 seconds.

Imahe mula sa NASA
Source :

Space, Slash Gear

Loading…