Pet ayuda inilunsad ng isang fur parent sa kaarawan ng kaniyang alaga

  • Kakaiba ang naisip ng isang fur parent para sa pagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang fur baby na si Panda
  • Naglunsad siya ng pamamahagi ng ayuda sa mga pet dogs at pet cats
  • Namahagi siya ng dog at cat food na medyo may mataas na presyo raw

Hindi lamang mga tao ang maaaring makatanggap ng ayuda galing man sa pamahalaan o mga pribadong sektor. Maging mga hayop ay maaari ding makatanggap nito.

Maihahalintulad sa konsepto ng pet edition ng community pantry na tinawag na ‘community paw-ntry,’ mamamahagi raw ng ayudang dog at cat food ang fur parent na si ‘Marian’ para sa mga alagang fur babies ng mga kapwa niya pet lovers. Ito raw ang naisip niyang paraan upang ipagdiwang ang ika-6 na buwang kaarawan ng kaniyang fur baby na si Panda.

Imahe mula sa Facebook account na Marian At Jeremy

“Hello mga kabarangay at kapwa ko pet lovers. Meron po tayong kaunting ayuda para sa ating mga alagang aso’t pusa bilang selebrasyon ng aming mahal na si Panda sa kaniyang ika-6 na buwan kaarawan. Handog po para po sa mga tunay na nangangailangan. Dito po kami sa aming damitan, kahilera ng Cebuana sa Brgy. Timbao,” ani Marian sa kaniyang Facebook post.

Giit niya, personal daw itong kunin ng mga fur parents at huwag ipautos sa bata. Ginamit din niya ang sikat na tagline ng mga community pantries.

“Ubos na po ayuda. Pasensya po sa mga naubusan. Gaya ng laging paalala: Magbigay po ayon sa ating kakayahan. Kumuha batay sa ating pangangailangan. Maraming salamat po. Para sa mga nakatanggap, nawa’y napasaya namin ang inyong mga alaga.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Thank you Panda and sa iyong fur parent. Sana lahat ng mga fur parent ay ganiyan kababait, God provides everything to those worthy people. More blessings in return,” saad ng isa.

Imahe mula sa Facebook account na Marian At Jeremy

Turan naman ng isa, “It’s a nice move po, Ma’am! Tama po iyan. Marami na po kasing mga fur parents ang nawawalan ng budget para sa kanilang mga fur babies. It is a good initiative!”

Happy 6th month birthday, Panda!

Source :

Facebook

Loading…