PGH muling nanawagan sa mga COVID survivors na mag-donate ng convalescent plasma

Imahe mula kay Sen. Migz Zubiri
  • Nananawagan ang PGH sa mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 na mag-donate ng convalescent plasma
  • Ang mga donors ay dapat 18 years old hanggang 59 years old, walang malubhang karamdaman, na-diagnose ng COVID-19 sa pamamagitan ng swab test at walang sintomas ng COVID-19 sa loob ng dalawang linggo
  • Maaaring tumawag sa telephone number 0947 488 2817 para sa mga katanungan hinggil sa pagdo-donate ng convalescent plasma

Muling nanawagan ang Philippine General Hospital (PGH) sa mga taong naka-recover sa COVID-19 na mag-donate ng kanilang convalescent plasma.

Imahe mula sa UP-Manila

“Ang inyong donation ay makakatulong sa isinasagawang clinical trial as paggamit ng convalescent plasma therapy para sa COVID-19. Layunin ng clinical trial na ito na masubok ang bisa ng maagang pagbibigay ng convalescent plasma sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga may COVID-19,” saad sa Facebook post ng University of the Philippines-Manila na namamahala ng PGH.

Ang mga donors ay dapat 18 years old hanggang 59 years old, walang malubhang karamdaman, na-diagnose ng COVID-19 sa pamamagitan ng swab test at walang sintomas ng COVID-19 sa loob ng dalawang linggo.

Ang panawangan ay ginawa sa gitna ng muling pagdami ng mga taong nahahawahan ng COVID-19.

Ang convalescent plasma ay ang kulay dilaw na likidong bahagi ng dugo na kinukuha mula sa mga pasyenteng gumaling sa COVID-19.

Naniniwala ang mga doktor at researchers na ang convalescent plasma ay nagtataglay ng mga antibodies na maaaring makatulong sa early treatment ng COVID-19 infection.

Imahe mula kay Gab Valenciano

Sinimulan ng PGH  at Department of Science and Technology ang pag-aaral sa convalescent plasma noong mga unang buwan ng pandemya noong nakaraang taon.

Noong September 2020, sinabi ng Food and Drug Administration na 429 sa 526 na pasyente na nasalinan ng convalescent plasma ang nakitaan ng magandang resulta at naka-recover mula sa naturang karamdaman.

Hinihikayat ng PGH ang mga may katanungan hinggil sa pagdo-donate ng convalescent plasma na tumawag sa telephone number 0947 488 2817.

Loading…