PH dinagdagan pa ang ‘military assets’ na nagpapatrol sa West PH Sea

Imahe mula sa CNN Philippines
  • Pinalakas pa ng Pilipinas ang pagpapatrol sa West Philippine Sea
  • Ipinadala na sa lugar ang mga malalaki at bagong barkong pandigma ng Navy
  • Nakahanda umano ang NTF-WPS na protektahan ang ating karapatan sa teritoryong nasa loob ng EEZ ng bansa

Mas pinaigting at dinagdagan pa ng AFP ang ‘military assets’ na naka-deploy sa West Philippine Sea para bantayan ang terirtoryong pag-aari ng bansa sa gitna ng umiinit na hidwaan sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sa pahayag na inilabas ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) nitong Miyerkules, sinabi nitong ipinadala na sa lugar ang apat (4) na Philippine Coast Guard (PCG) vessels, isang PCG aircraft, anim (6) na Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessels para sa WPS maritime patrols at ilang (PNP-MG) high-speed tactical watercraft at rubber boats.

Imahe mula sa GMA News

“The Armed Forces of the Philippines (AFP) through the Western and Northern Luzon Commands continues to support law enforcement and sovereignty patrols of the BFAR, PCG and PNP, utilizing Philippine Navy (PN) and Philippine Air Force (PAF) maritime and air assets under its disposal,” ayon sa pahayag ng task force.

Maliban dito, naka-deploy na rin umano ang mga barko ng Navy na BRP Miguel Malvar (PS-19), BRP Magat Salamat (PS-20), BRP Emilio Jacinto (PS-35), BRP Apolinario Mabini (PS-36), BRP Ramon Alcaraz (PS-16), at BRP Tarlac (LD-601) bilang back-up sa Coast Guard at BFAR.

Ito ay ayon sa online presentation ng WPS-NTF na ibinahagi nitong Miyerkules.

Screenshot mula sa Facebook-PCG

Naroon na rin sa Palawan ang limang (5) sasakyang panghimpapawid ng Philippine Air Force (PAF) at Navy para magsagawa na aerial patrols, habang inaasahang ide-deploy na rin ang BRP Mangyan (AS-71), BRP Jose Rizal (FF-150) at BRP Antonio Luna (FF-151) anumang araw simula ngayon.

Ito na ang pinakamatinding pagpapakita ng puwersa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa West Philippine Sea simula nang sumiklab muli ang iringan sa pinag-aagawang teritoryo matapos matuklasang mayroong nakahimpil na mahigit 200 Chinese vessels sa loob ng exclusive economic zone ng bansa noong Marso.

Imahe mula sa CNN Philippines

“The foregoing whole-of-nation approach to protect our national interest in the WPS manifests the firm rejection of the Philippine Government of any attempt to undermine the 2016 Arbitral Award. We are exhausting all means possible to protect our territory and EEZ,” ayon pa sa NTF-WPS.

Muling tiniyak ng task force na nakahanda silang panindigan ang soberanya ng bansa ayon sa hinihingi ng Saligang Batas at protektahan ang ating ‘sovereign rights’ sa mga lugar na nasasakupan ng EEZ nang naaayon sa international law.

Loading…