PH-US joint military exercises isasagawa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea

Public Domain image
  • Nakatakdang magsagawa ng dalawang linggong joint military exercises ang Pilipinas at Estados Unidos 
  • Sinabi ni AFP chief of staff Lt. Gen. Sobejana na mas maliit ang bilang ng mga military personnel na lalahok sa gagawing Balikatan
  • Ang Balikatan ay gagawin sa gitna ng tumataas na tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea

Nakatakdang  magsasagawa ang Pilipinas at ang Estados Unidos ng joint military exercises sa gitna ng tumataas na tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (South China Sea).

Imahe mula sa Exercise Balikatan Facebook page

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lieutenant General Cirilito Sobejana, mas maliit ang gagawing Balikatan ngayong taon kumpara sa mga nagdaang taon.

Aniya, 1,700 na mga sundalo lang ang lalahok sa Balikatan exercises – 1,000 mula sa Pilipinas at 700 mula sa Estados Unidos. Higit na kaunti ito kumpara sa mahigit 7,600 military personnel na lumahok sa mga naunang military exercises sa pagitan ng dalawang bansa.

“The exercise this year is a hybrid of virtual and physical activities. It’s a low-key exercise, just to keep the alliance—the contact—between the two armed forces,” pahayag ng AFP chief of staff.

Ang ginawang pag-aanunsyo ni Lt. Gen. Sobejana sa nakatakdang balikatan ay kasunod ng pag-uusap sa telepono sa pagitan ni National Defense Secretary Delfin Lorenzana at US counterpart niyang si Defense Sec. Lloyd Austin.

Imahe mula sa Exercise Balikatan Facebook page

Ayon sa Pentagon, ang headquarters ng US Department of Defense, napag-usapan ng dalawang defense secretaries ang sitwasyon sa West Philippine Sea at ang isyu hinggil sa mga Chinese vessels na namataang nakahimpil sa Julian Felipe Reef na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Iginigiit ng China na sakop ng kanilang teritoryo ang Julian Felipe Reef na tinatawag nitong Niu’e Jiao.

Imahe mula sa NTF-WPS
Source :

Inquirer, GMA

Loading…