Philhealth nilinaw na sasagutin nila ang gastos ng COVID patient na nasa tent

Imahe mula sa The Straits Times
  • Naglabas ng pahayag ang Philhealth tungkol sa ‘tent charge’ ng mga ospital
  • Sinabi kasi ng isang opisyal ng ahensiya na hindi ito kasama sa coverage ng ahensiya
  • Maglalabas ng revised guidelines ang Philhealth para sa proteksiyon ng lahat

Naglabas ng pahayag ang Philhealth upang linawin ang naunang sinabi ng isang opisyal ng ahensiya tungkol sa hindi pagsagot sa mga gastusin ng mga COVID-19 patient na nasa tent ng mga ospital.

Ayon sa state insurer, nauunawaan umano nila ang kasalukuyang sitwasyon ngayon kung saan ang ilang pasyente ay inilalagay muna sa mga tent dahil sa kakulangan ng beds sa mga pagamutan.

“PhilHealth guarantees that COVID-19 patients are entitled to health insurance coverage for RT-PCR tests, isolation in accredited community isolation units, and hospitalization for mild to critical cases of COVID-19,” pahayag ng Philhealth.

Imahe mula sa Philhealth Twitter

Tiniyak din ng ahensiya na lahat ng pasyente, maging COVID patient man o hindi, ay makatatanggap ng pinansiyal na tulong sa ilalim ng Universal Health Care Law. Nakatakda rin silang maglabas ng revised guidelines para proteksiyon ng lahat ng miyembro.

“Be it COVID-19 or not, patients should be afforded with all the financial help as guaranteed by the Universal Health Care Law. Pursuant to this, PhilHealth has been reviewing existing policies to better respond to the extraordinary demands brought about by this pandemic, with the best interest of the patients in mind,” ayon sa Philhealth.

“Enhanced guidelines will be issued the soonest to ensure that adequate financial protection is duly provided to the patients without compromising quality of care,” dagdag na pahayag nito.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Tungkol naman sa napaulat na sinisingil ng P1,000 kada oras ang mga pasyenteng nasa tent, siniguro ng Philhealth na iimbestigahan nila ito.

BASAHIN: Mga pasyenteng nasa tent pinagbabayad umano ng P1,000 kada oras; ‘di rin sasagutin ng Philhealth

“On the other hand, the reported charges of P1,000/hour will be investigated for possible violation of pertinent laws and rules,” ayon sa pahayag na pirmado ni Philhealth president Dante Gierran.

Inilabas ng ahensiya ang naturang pahayag matapos ibulgar ni Bayan Muna party-list Representative Ferdinand Gaite sa pagdinig sa Kamara ang napaulat na kalakaran sa ilang ospital.

Loading…