Pilipinas isinama ng US sa “Level Four: Do Not Travel” advisory list dahil sa COVID-19 surge

Imahe mula sa UNTV
  • Naglabas ng “Do Not Travel” advisory ang US government para sa mga mamamayan nito
  • Umabot sa 80% ng mga bansa sa buong mundo ang inirerekomenda sa mga American citizens na huwag  bisitahin
  • Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang pinaiiwasan sa mga American citizens dahil sa surge ng COVID-19

Napabilang na ang Pilipinas sa “Do Not Travel” advisory list ng United States (US) dahil sa COVID-19 surge sa bansa.

Screenshot mula sa ANC video

“Do not travel to the Philippines due to COVID-19. The Centers for Disease Control and Prevention has issued a Level 4 Travel Health Notice for the Philippines due to COVID-19, indicating a very high level of COVID-19 in the country,” anunsyo ng US State Department.

Ang “Level 4” ang highest travel advisory designation ng US State Department.

Nagbigay din ang US government ng warning sa mga mamamayan nito na hangga’t maaari ay iwasang magtungo sa Mindanao, partikular na sa Sulu at Marawi City, dahil sa peace and order situation doon.

Nauna nang inanunsyo ng US government noong Lunes, April 19, na aabot sa 80% ng mga bansa sa buong mundo ang mapapabilang sa listahan nito ng mga bansa na hindi inirerekomenda na bisitahin ng mga American citizens.

Nilinaw naman ng US State Department na hindi mandatory ang rekomendasyon nito at hindi binabawalan ang mga American citizens na mag-travel.

Screenshot mula sa ANC video

Kung hindi umano maiiwasan na magtungo sa Pilipinas, hinihikayat ng US government ang mga mamamayan nito na kumpletuhin muna ang kanilang pagpapabakuna ng two doses bago bumiyahe.

Pinaalalahanan din ang mga travelers na magsuot ng face mask, sundin ang physical distancing at iba pang health protocols.

Noong Miyerkules, April 21, nakapagtala ang Department of Health ng 9, 227 new cases ng COVID-19 para sa kabuuang bilang ng mga kaso nito sa bansa na 962,307.

Imahe mula sa DOH
Source :

Inquirer, CNNPH

Loading…