Pinas posibleng makagawa na ng sariling COVID vaccine bago matapos ang 2022 – DOST

Imahe mula sa Reuters
  • Maaaring makagawa na ng COVID vaccine ang ilang local companies ayon sa DOST
  • Posible umano itong matupad bago matapos ang taong 2022
  • Dalawa raw sa anim na kumpanyang nakausap nila ay ‘agresibong’ tuparin ang planong ito

Maaaring makagawa na ng sariling COVID-19 vaccine ang dalawang lokal na pharmaceutical company sa bansa bago matapos ang taong 2022, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).

Ibinahagi sa isang media forum ni DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Cristina L.  Guevara nitong Huwebes, Abril 15, na sa anim na kumpanyang interesado na gumawa ng lokal na bakuna, dalawa umano sa mga ito ang mabilis at ‘agresibo’ para tuparin ang kanilang plano.

Imahe mula sa Wikipedia

“Meron kaming nakikita na dalawang companies na medyo mabilis, agresibo sila. If they pursue what we think are their plans based on what they have told us, parang kakayanin nilang magproduce ng vaccine by late 2022,” ani Guevarra, na pinangungunahan ang Task Group  on Vaccine Evaluation and Selection (TG-VES) ng ahensiya.

Noon pang Abril nang nakaraang taon nagsimula ang DOST na makipag-usap sa pribadong sektor tungkol sa bagay na ito at base umano sa kanilang naririnig mula sa mga nasabing kumpanya, baka may makapag-produce na sa katapusan ng 2022.

“It is possible,  hindi pa talaga namin nafirm up ang timeline nila. Based on what they are presenting to us, mukhang possible,” dagdag pa ng opisyal.

Imahe mula sa DW

Sa kasalukuyan, ang iba namang kumpanya ay plano munang mag-produce ng bakunang nagawa na sa ibang bansa at ginagamit ngayon sa Pilipinas.

“Kapag stable na or tapos na ‘yung clinical trials ng COVID-19 vaccines tsaka sila papasok sa COVID-19 vaccine. ‘Yung iba namang companies, COVID-19 talaga ang kanilang pupuntiryahin,” ayon pa kay Guevarra.

Bagama’t hindi na binanggit ni Guevarra ang pangalan ng anim na kumpanya, isa raw sa mga ito ay ‘long-term partner’ ng isang Chinese company habang ang isa naman ay may connection sa vaccine developer sa Germany.

Loading…