Pinoy virologists na sa ibang bansa nag-aral uuwi para tumulong sa itatayong Virology Institute

Imahe mula sa US Embassy in Manila
  • Mga Pinoy students na magsisipagtapos na ng virology course sa ibang bansa uuwi sa Pilipinas upang maging bahagi ng itatayong Virology Institute of the Philippines
  • Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevara, ang Pilipinas ay maraming virologists para sa mga hayop at halaman, subalit kulang ang para sa mga tao
  • Ang pagtatatag ng VIP ay bahagi ng plano ng pamahalaan na makamit ang vaccine self-sufficiency

Hindi pa man naitatayo ng pinaplanong Virology Institute sa bansa, ilang Pinoy virologists na sa ibang bansa nag-aral ang nagpahayag ng kanilang interes na maging bahagi ng proyekto.

Imahe mula sa News5

Umaasa ang Department of Science and Technology (DOST) na sa pamamagitan ng Virology Institute ay marami itong masasanay na mga bagong virologists dito sa bansa.

Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevara, ang Pilipinas ay maraming virologists para sa mga hayop at halaman, subalit kulang ang para sa mga tao.

“We believe that we need to be able to develop our own studies, especially for viruses that are endemic to the Philippines, ” sabi ni Usec. Guevara.

Noong nakaraang taon pa naghahanda ang ahensya para sa proposed Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP) at nakatanggap na ito ng mahigit P283 million mula sa Department of Budget and Management para sa proyekto, ayon pa kay Usec. Guevara.

“Our hope is that the virology institute is going to answer that specific need to prepare us for vaccine security in the future, whether it is Philippine endemic virus or it is a pandemic,” aniya.

Imahe mula sa Wikipedia

Ang pagtatatag ng VIP ay bahagi ng plano ng pamahalaan na makamit ang vaccine self-sufficiency.

Isiniwalat ni Usec. Guevara na halos lahat ng Pinoy virologists ay foreign-trained dahil wala namang virology course dito sa bansa.

“It’s about figuring out how to come up with a graduate program if we feel that that is the best way to go. At this point in time, ang mas habol namin is that we need ready-made na mga virologists,” aniya.

Sinabi  pa ng undersecretary na anim na Filipino virologists ang nakatakdang umuwi sa Pilipinas sa ilalim ng Balik Scientist Program, habang may ilan ding Pinoy students na magsisipagtapos na ng virology course sa ibang bansa ang nais maging bahagi ng VIP.

Imahe mula sa DOST

Ayon pa sa DOST, posibleng bago matapos ang taong 2022 ay  magkaroon na ang Pilipinas ng pasilidad para makagawa ng sariling bakuna.

 

Source :

GMA , ABS-CBN

Loading…