Post ng misis ni Yorme na tila may “pinapatutsadahan” viral ngayon sa soc med

Imahe mula sa Facebook account ni Dynee Ditan Domagoso
  • Viral ngayon sa social media ang post ng misis ni Yorme
  • Naniniwala ang mga netizens na may “pinatatamaan” si Ginang Domagoso sa kanyang Facebook post
  • Walang binanggit na pangalan, pero may ideya ang ilang netizens kung sino ang pinatututsadahan ni Dynee Ditan Domagoso

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang Facebook post ni Dynee Ditan Domagoso, ang misis ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, dahil naniniwala ang ilang netizens na mayroon itong pinapatutsadahan.

Imahe mula sa Facebook account ni Dynee Ditan

Nag-post si Ginang Domagoso noong Sabado, April 24,  ng lumang larawan ni Yorme na kuha umano noong May 2019. Nabanggit niya na tila minamasama pa ng mga taong tamad at inggitero ang kasipagan ng alkalde.

“Ayan fresh pa! Ang napakapogi at napakayabang kong asawa. Ang sipag sipag mo kasi magtrabaho. Napasama ka tuloy sa mga taong tamad at inggiterong pinanunuod ka lang. Pati dun sa mga magagaling at expertong manglait at manliit sa soc med, naku dalubhasa mga ‘yun!” saad sa unang bahagi ng post ng first lady ng Lungsod ng Maynila.

“Rest ka din paminsan puro ka papogi eh, matagal ka na pogi. Give chance to others kasi malayong-malayo pa hahabulin nila sa kasipagan at kagwapuhan mo. Ok! Lab u always,” saad pa sa post ng misis ni Yorme.

Walang binanggit na pangalan si Mrs. Domagoso kung sino ang tinutukoy niyang mga taong “tamad” at “inggitero” pero may ideya ang ilang netizens kung sino iyon.

Screenshot ng FB post ni Dynee Ditan Domagoso

‘“Kala mo may napatunayan na ‘yung governor na ‘yun. God bless po, mayor.”

 “Asan na puro pormang gobernador? Nagtatago pa sa likod ni MacoyDubs?”

“Truth! Ginamit pa si Yorme para sumikat sila! Ewww! Kumusta naman mga mamamayan ng Cavite, Gov?”

Loading…