Pres. Duterte hindi na nasurpresa na umabot sa 1 million ang COVID-19 cases sa bansa

Screenshot mula sa RTVM video
  • Hindi na nasurpresa si Pang. Duterte na umabot sa 1 million ang COVID-19 cases sa bansa
  • Ito ay dahil umano sa mga mamamayang hindi sumusunod sa health protocols
  • Batay sa tala ng Department of Health, noong Huwebes, ika-29 ng Abril, ay umabot na sa 1,028,738 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa

Hindi na ipinagtaka ni Pangulong Rodrigo Duterte na umabot na sa isang milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Screenshot mula sa video ng CNN PH

Sa pinakahuling public briefing noong Miyerkules, ika28 ng Abril, sinabi ng Pangulo na hindi na siya nasurpresa na umabot na sa mahigit isang milyon ang tinamaan ng virus dahil sa pagbabalewala ng mga tao sa batas at health protocols.

“We have breached the million mark and it does not really surprise me. From a distance, nakikita ko talaga. Everytime I see people violating the law, I would just say to whoever seated next to me, sabihin ko: ‘Tingnan mo ito, tomorrow there will be spike again’,” aniya.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsunod sa mga health protocols dahil kung lalabagin ang mga ito ay tiyak umanong lolobo ang bilang ng mga COVID-19 cases.

“There will always be rise and maybe exponential ang takbo ng COVID sa Pilipinas ‘pag hindi kayo sumunod sa batas,” babala niya.

Imahe mula sa Taguig Unlimited Facebook page

Hindi umano madaling ma-admit sa mga pagamutan ngayon dahil sa rami ng mga pasyente.

“Ngayon nakita ko, violation dito, violation doon; sakit dito, sakit doon. Anak ka ng—wala tayong pera. Do not ever think that we can accommodate you at just anytime. If you look on TV and sa mga news, hindi nga makapasok (sa pagamutan)… naghihintay nga sa mga kotse… hanggang mabigyan sila ng kama,” sabi pa ng Pangulo.

Batay sa tala ng Department of Health, noong Huwebes, ika-29 ng Abril, ay umabot na sa 1,028,738 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Imahe mula sa DOH

Loading…