Pres. Duterte nag-sorry sa ginawang pagpapalawig ng MECQ hanggang May 14

Screenshot mula sa RTVM video
  • Pinalawig ang MECQ sa NCR+ areas hanggang May 14
  • Humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa ginawang extension ng MECQ
  • Paliwanag niya, kailangan iyong gawin dahil sa marami pa rin ang mga nahahawaan ng COVID-19 at ang mga pagamutan ay puno pa rin ng mga COVID-19 patients

Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang pagpapalawig ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang ika-14 ng Mayo sa NCR+ areas na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.

Imahe mula sa PCOO

Ang Santiago City sa Quirino Province at ang Abra Province ay isinailalim sa MECQ buong buwan ng Mayo.

Paliwanag niya, kailangan iyong gawin dahil sa marami pa rin ang mga nahahawahan ng COVID-19 at ang mga pagamutan ay puno pa rin ng mga COVID-19 patients.

“Mga kababayan ko, nanghihingi lang ako sa inyo ng paumanhin, I’m sorry that I have to impose a longer, itong modified enhanced community quarantine kasi kailangan,” wika ng Pangulo.

Tumaas ‘yung infections at ‘yung hospital natin puno,” dagdag pa niya.

“Ngayon, alam ko galit kayo. Magalit na lang kayo sa akin kasi wala man talaga ako magawa. Ang virus na ‘yan, lumilipad ‘yan sa hangin. Kung kausap mo may virus, ma-virus ka din,” paliwanag pa ni President Duterte.

Dapat umanong sundin ng mga mamamayan ang health protocols dahil iyon ang makabubuti para sa lahat.

Aniya, hangga’t maaari ay ayaw niyang maistobo ang pamumuhay ng mga tao subalit kailangan umanong magpatupad ng mga restriksyon alang-alang sa national interest.

Imahe mula sa CNN PH

“I would be the last, ako ‘yung pinaka-huling tao na mag-istorbo sa buhay ninyo. Sabi ko nga e, I want the people to be comfortable so sometimes you have to interdict or intervene because it is of national interest,”sabi niya.

Paliwanag ng Pangulo, ang pandemya ay hindi lang isang pangkaraniwang medical issue. Nakasalalay na umano rito ang national interest at ang survival ng lahat ng mga Pilipino.

 

Source :

Inquirer, GMA

Loading…