PSA website nakaranas ng ‘technical issues’ sa unang araw ng online registration para sa National ID

Imahe mula sa PSA
  • Nagkaproblema ang website ng PSA sa unang araw ng registration para sa National ID System
  • Inaalam pa ng ahensiya ang ugat ng naturang ‘technical issues’
  • Sa kanilang latest update, umabot pala ng mahigit 40,000 registration requests sa mga unang minuto pa lamang ng pilot launch na nagsanhi ng delay sa pagse-send ng OTPs

Nakaranas ng problemang teknikal nitong Biyernes, Abril 30, ang website ng Philippine Statistics Authority sa unang araw pa lamang ng online registration para sa National ID System.

Sa advisory ng PSA sa kanilang Facebook page, inanunsiyo ng ahensiya na inaalam pa nila ang ugat ng nasabing problema at magbibigay na lang ng update sa mga susunod na oras.

Imahe mula sa PSA

“We are currently experiencing technical difficulties. Our technical team is currently figuring out the source of the problem,” wika ng PSA sa kanilang pahayag.

“We will provide updates as soon as the website is up and running. We apologize for any inconvenience this may have caused,” dagdag pa ng ahensiya.

Bagama’t maraming netizen ang dismayado, nauunawaan naman umano nila ito dahil na rin marahil sa dagsa ng application na natanggap ng website sa unang oras pa lamang ng pagbubukas ng registration.

Imahe mula sa PSA Facebook

“Hope the system will be fixed right away.. so that there will be no more problems during the registration process. And I’m willing to wait until the system will be fixed, as long as I can register for the national ID anytime, since this is very important,” komento ng isang Facebook user.

“This is expected hindi lang naman 1k ang maglolog in or gagamit ng site. Tska magandang stress test to sa system para maayos yubg lapses and gaps. Dun sa mga nega dito sa comment, baka di pa nakakasubok ng system inplementation and stress test,” dagdag naman ng isa pa.

Imahe mula sa PSA Facebook

Subalit ayon naman sa iba, sana daw ay pinaghandaan na ito ng PSA lalo pa’t nag-anunsiyo pa sila ng countdown sa social media at marami ang umaasang handang-handa na talaga ang ahensiya para sa maraming nag-aanticipate sa online registration.

Noong nakaraang Marso, nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pinoy na bigyang pagkakataon ang National ID System sapagkat malaking ginhawa umano ang dulot nito lalo na sa mga transaksyon sa gobyerno.

Target ng PSA na makapagrehistro ng nasa 70 milyong mamamayan bago matapos ang kasalukuyang taon.

Samanatala, sa latest uppdate sa kanilang Facebook page, anila: “We received more than 40,000 registration requests during the first minutes of the pilot launch. This caused delays in the sending of the one time passwords (OTPs) necessary to proceed with the registration.”

Loading…