PWD isinalaysay ang kuwento ng kaniyang tagumpay sa buhay

  • Ibinahagi ng isang PWD o Person with Disability ang kaniyang sikreto sa tagumpay
  • Nakabili na kasi siya ng pangalawang dream house sa pamamagitan ng pagtitinda
  • Marami ang na-inspire sa kaniyang kuwento

Sadyang hindi hadlang ang kapansanan sa pagtatagumpay at pag-abot sa mga pangarap sa buhay.

Iyan ang mapatutunayan ng netizen na nagngangalang ‘Rotski Bautista,’ matapos niyang ibahagi ang kaniyang naipundar na napakalaki at napakagandang bahay, sa Facebook page na ‘Home Buddies.’ Isinalaysay niya ang kaniyang mga pinagdaanan sa pagtatamo ng kaniyang dream house.

Imahe mula sa Facebook account ni Rotski Bautista/Home Buddies

“Galing ako sa mahirap na pamilya na nakikitira lang sa isang maliit na kuwarto at sanay kumain nang isang beses sa isang araw… dahil sa kakapusan, maaga akong namulat sa pagbabanat ng buto, nangangalakal nang literal at nag lalako ng kung ano-ano habang nag-aaral sa elementarya,” panimula niya.

“Hanggang sa highschool at college, hinda pa ko nausuhan ng FB noon kaya manual na pagtitinda pa ang alam ko ng mga kung ano-anong gamit galing sa Divisoria at Baclaran. Hindi ako ginagapangan ng hiya as long as alam kong marangal naman ang gingawa ko.”

Pinangarap daw niyang magkaroon ng bisikleta upang magkaroon siya ng munting sasakyan sa kaniyang paglalako habang nag-aaral, at nagtatrabaho sa isang fast food chain. Hindi raw niya alintana ang matinding init at sikat ng araw sa paglalako, dahil alam niyang kailangang-kailangan niya ng pera upang makatapos ng pag-aaral.

“Kaya sari-saring raket ginagawa ko para kumita. kahit halos madalas hindi na ko natutulog. Marami na rin akong narinig na pangungutya at mga salita lalo na yung mga linyang ‘Mag-aral ka wala kang mararating sa paglalako mo.’
Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya samo’tsaring mga salita ang narinig ko mula sa ibang tao.”

Imahe mula sa Facebook account ni Rotski Bautista/Home Buddies

“But still hindi yung mga salita na yun ang makakapag pahinto sa pangarap ko kaya tuloy lang ang pag kayod dahil alam ko sa sarili ko mag bubunga din lahat ng paghihirap ko.. Hangang dumating sa punto na naaksidente ako at ngayon proud PWD na ko hahaha ang laki kaya ng mga discounts kapag PWD ka.”

Sabi pa niya, kung kailan naging mahina siya sa paningin ng mga tao, ay doon siya nakaramdam ng pinakamalakas sa kaniyang sarili. nagpatuloy siya sa kaniyang pagtitinda. Nagsumikap siyang makapag-ipon.

Ngayon may mga nagtatanong kung paano raw ako nakaipon? Pinangarap kong yumaman hindi para magmukhang mayaman kaya hindi ako nakipagsabayan sa luho, mas inuna kong mag ipon. At isang malaking factor na iniwasan ko ang mangutang noong panahong walang-wala ako.”

Isa pa raw sa maraming bagay na natutuhan niya habang siya ay naglalako ay maraming aral sa kalye na hindi matututuhan o makukuha sa paaralan.

“And believe me guys, kung sa ngayon alam mo sa sarili mo na nasa ibaba ka, maniwala ka lang na ang natitirang way na lang ay ang tumaas. Ito yung 2nd house ko and mas plano ko pang magsipag sa pagtitinda para makuha yung 3rd house ko which is my dream house.”

Imahe mula sa Facebook account ni Rotski Bautista/Home Buddies

Hindi rin siya nakalimot sa Panginoon na pinasalamatan din niya.

“At syempre salamat sa BIG BOSS G ko dahil siya lahat ang nag-provide kung anong meron tayo. Kagustuhan ng Diyos na ipinanganak tayong mahirap pero kasalanan na natin bilang tao kung mamatay pa rin tayong mahirap.”

Kalakip ng kaniyang post ang kaniyang magarang bahay, kotse, at maraming mga motorsiklo na naipundar niya dahil sa kaniyang pagsusumikap.

Very inspiring, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…