Remember Paningning’s cuteness overload? Ang Shih Tzu na sumikat dahil sa kakaibang posisyon nito sa pagtulog

  • Nag-viral ang isang Shih Tzu na natutulog habang nakatihaya na bihirang posisyon ng isang aso sa pagtulog
  • Isang buwang gulang pa lamang ang tuta noong Marso 2019 nang mahakot niya ang atensyon ng mga netizens
  • Mahigit dalawang taon na siya at patuloy na naghahatid ng good vibes sa mga tao

Hindi inaasahan ni Janess Cua, isang pet owner, na makikiliti ng kanyang  Shih Tzu na si Paningning na isang buwang gulang pa lamang noong 2019  ang mga netizens dahil sa kakaibang estilo nito sa pagtulog.

Kumalat sa online world ang mga larawan ni Paningning na natutulog habang nakatihaya na bihirang posisyon ng isang aso sa pagtulog.

images via The Real Paninging FB page

Ayon sa isang panayam sa ABS-CBN News, hindi raw inasahan ni Cua na magiging viral ang larawang ito ng kanyang alaga.

“Honestly, hindi ko po ineexpect na mag-trending siya kasi po always naman akong nagpo-post ng pic ng mga dogs ko kasi nagiging happy ako ‘pag pini-picturan ko po sila,” sabi ni Cua na mayroong alagang 11 aso.

Dagdag pa niya, Paningning daw ang ipinangalan niya sa aso, alinsunod sa kagustuhan ng kanyang anak na bigyan ito ng pangalang “maningning” dahil mayroon daw itong kakaibang kulay nang isilang.

“Naisip po nung daughter ko na kasi naiiba siya kaya maningning hanggang sa naging Paningning po kasi gusto n’ya letter P,” dagdag ni Cua.

Binuhay din ni Paningning ang pagkamalikhain ng mga netizens dahil ang nakaka-good vibes na larawan niya ay nagbunga na rin ng samut-saring memes.

Nagkaroon rin noon ng “Paningning challenge,” kung saan ang mga dog owners ay kumukuha ng larawan ng kanilang mga alaga habang ginagaya ang posisyon ni Paningning sa pagtulog.

Larawan mula sa Facebook account ni Erren Elizalde

Hindi lamang iyan dahil naging isa ring worldwide sensation ang cute na si Paningning dahil maging sa New York-based magazine na Complex ay na-feature rin siya sa kanilang Facebook page na umani ng libo-libong likes.

Dahil sa ‘di maawat na kasikatan ng aso ni Cua, ginawaan na ito ng sarili nitong Facebook page upang maibahagi ang marami pang larawan ng Shih Tzu kahit na maraming fans ni Paningning ang lumikha na ng profile nito sa social media.

UPDATE:

Mahigit dalawang taon na si Paningning at patuloy na naghahatid ng good vibes sa social media dahil sa kanyang ka-cutan. Updated din siya sa mga trending topics ha. Ayan, nakilugaw na!

image via The Real Paninging FB page
Source :

Facebook, DF News

Loading…