Richard Poon sa community pantries: “Did the bayanihan spirit only start recently, is Maginhawa the true origin?”

  • Nagpahayag ng opinyon ang singer na si Richard Poon patungkol sa mga lumilitaw na community pantry
  • Ayon sa singer, talaga raw bang sa Maginhawa nagsimula ang bayanihan ng mga Pilipino
  • Matapos nito ay ipinahayag niya ang opinyon niya sa pagtulong daw ng mga Pilipino noong nakaraang taon pa, bago pa ang mga community pantry

Naging inspirasyon sa maraming Pilipinong nais tumulong ang pagsulpot ng community pantry sa Maginhawa. Para sa ilan, naging mas madali at mas mabisa ang pag-aabot ng tulong sa mga kababayan nating kapos.

Ngunit hindi rin maitatanggi na nabalot din ng kontrobersiya ang nasabing inisyatibo ng pagtulong. Unang naging matunog ang pahayag ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF –Elcac) spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. tungkol sa nag-organisa ng community pantry sa Maginhawa na konektado raw sa makakaliwang grupo.

Larawan mula sa Facebook page ni Richard Poon

Isa sa mga nagpahayag ng kanyang opinyon tungkol sa Maginhawa community pantry ay ang singer na si Richard Poon. Sa isang Facebook post, inilahad ni Poon ang kanyang damdamin sa pagtanaw daw ng iba na dahil sa community pantry ay nabuhay ang pagkamatulungin ng mga Pilipino.

Tanong ng singer, talaga raw bang nagsimula ang bayanihan spirit sa pag-uumpisa ng community pantry at talaga raw bang sa Maginhawa ang naging ugat nito.

“Did the bayanihan spirit of community pantry only started recently? Is Maginhawa the true origin?” post ni Poon.

Matapos nito ay ipinahayag na ng dating ASAP mainstay ang pananaw niya kung saan talaga nagmula ang bayanihan ng mga Pilipino. Ayon sa kanya, nagsimula na raw ito noong nakaraang taon at sinabi pang ang pagtulong noon ay wala raw ibang agenda kabilang ang mas kakaunti raw na media coverage.

“Again, let me say the bayanihan spirit is alive and well sa Filipino communities even a year ago. But there can be some differences….” pagpapatuloy ni Poon.

Larawan mula sa PNA

Dahil dito, nag-trend muli si Poon sa social media. Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang higit 7,600 reactions at 1,800 shares ang post ni Poon. Nagsimula ito ng diskusyon sa mga netizen. Mayroong mga kumakampi sa singer at mayroon din namang tumutuligsa.

Kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte ang singer at madalas itong magpahayag ng kanyang opinyon tungkol sa mga kontrobersyang kinahaharap ng administrasyon.

Loading…