Roque kinumpirmang naka-admit siya sa isang ospital dahil sa COVID-19

Imahe mula sa PCOO
  • Kinumprima ni Sec. Harry Roque na naka-admit siya ngayon sa isang ospital dahil sa COVID-19
  • Hindi na binanggit pa ni Roque kung paano siya muling nahawa gayung gumaling na ito noong nakaraang buwan
  • Marami naman ang nagtataka kung paanong nakakuha agad ng kuwarto ang kalihim samantalang halos punuan ngayon ang mga ospital

Inamin ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Sabado, Abril 10, na naka-admit siya sa isang pagamutan halos tatlong linggo ang nakararaan simula noong aminin niyang nagpositibo siya sa COVID-19.

Matatandang inanunsiyo ni Roque na naggpositibo siya sa COVID noong Marso 15 subalit gumaling rin noong Marso 25.

Screenshot mula sa RTVM video

“I am now admitted in a hospital for Covid treatment. This is to say that COVID-19 is more transmissible now so we have to do extra precaution,” ani Roque sa isang pahayag.

Bagama’t kasabay nito ang kaniyang pangako na ilababas din noong Sabado ang magiging kalagayan ng quarantine status sa NCR Plus, kung mayroon mang pagbabago, hindi na rin ito natuloy dahil ‘pinag-aaralan’ pa umano ni Pangulong Duterte ang sitwasyon bago ito magdesisyon.

Humingi rin ng panalangin ang kalihim para sa kaniyang maagang paggaling.

“I am asking for your sincerest prayers to all afflicted with Covid 19 in the country and around the world. God bless and protect us all,” wika pa ng tagapagsalita ng Malakanyang.

Imahe mula sa Inquirer

Hindi na sinabi ni Roque kung saang pagamutan siya ngayon naka-confine subalit may lumabas na usap-usapan na siya ay naka-admit sa Philippine General Hospital (PGH).

Hindi na rin binanggit ng kalihim kung paano siya muling nahawa ng COVID gayung sinabi niyang gumaling na siya noong nakaraang buwan.

Marami naman ang nagtataka kung paanong nakakuha agad ng kuwarto si Roque sa PGH gayung halos punuan na ang ospital ngayon at marami pa ang nakapilang ordinaryong mamamayan na naghihintay na ma-admit din.

Loading…