Sa gitna ng pandemya, mas mataas na ATM fees ipinatupad na ng mga bangko

Imahe mula sa Philippine Primer
  • Mas mataas na singil sa ATM transactions ipinatupad na
  • Ang bagong patakaran na inaprubahan ng BSP ay tinatawag na “acquirer-based ATM fee charging model”
  • Sa ilalim ng bagong patakaran, ang interbank ATM withdrawal fees ay aabot ng P18 per transaction at hanggang P2 naman ang singil sa bawat balance inquiry

Sa gitna ng patuloy na pananalasa ng COVID-19 pandemic at pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa NCR+ areas ay ipinatupad na ng mga bangko ang pagtataas ng singil sa bawat transaksyon sa automated teller machines (ATM) .

Imahe mula sa iMoney

Batay ito sa bagong patakaran na inaprubahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tinatawag na “acquirer-based ATM fee charging model.” Sinimulan ang implementasyon nito noong Miyerkules, April 7.

Sa ilalim ng bagong patakaran, ang interbank ATM withdrawal fees ay aabot ng P18 per transaction at hanggang P2 naman ang singil sa bawat balance inquiry.

Ang mga nabanggit na ATM transactions ay libre para sa mga ATM cardholders na gagamit ng ATM ng sarili niyang bangko.

Nagbigay na ng abiso ang BDO, BPI at Metrobank sa mga ATM users ng ibang bangko na sisingilin nila ang mga ito ng P18 kada withdrawal at P2 kada balance inquiry.

Ang Landbank naman ay maniningil lang ng P10 kada interbank withdrawal at P1 kada interbank balance inquiry.

Sa bagong sistemang ito ng BSP, ang bangkong may-ari ng ATM ang nagtatakda ng transaction fees hindi tulad noon na ang bangko na nag-isyu ng ATM ang nagtatakda kung magkano ang sinisingil kada ATM transaction.

Imahe mula sa BPI

“Banks competing with one another to attract non-clients to use their ATMs by disclosing fees and providing more reliable service would make the Philippine ATM system expand and be more efficient ultimately, benefit consumers,” ayon sa statement na inilabas ng BSP sa website nito.

Ayon sa BSP, ang halaga ng sisingilin sa cardholder ay dapat malinaw na makikita sa ATM location at sa screen ng ATM terminal. Sa pamamagitan nito ay makakapili ang cardholder ng ATM na mas mura ang singil.

Loading…