Sa halip na Netflix, mga Katoliko hinimok na manood muna ng Lenten recollection online

Screenshot mula sa You Tube video
  • Nanawagan ang isang obispo na manood ng senakulo at recollection online
  • Ito ay sa halip na magbabad daw sa Netflix upang manood ng pelikula
  • Makatutulong umano ito upang lumago ang pananampalataya ng mga Katoliko

Nanawagan ang isang obispo sa mga Katoliko na manoond muna ng mga Lenten recollection at senakulo online sa halip na Netflix, ang popular na online streaming platform sa bansa.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ang panonood ng mga ganitong palabas sa You Tube ay makatutulong sa paglago ng kanilang pananampalataya lalo na ngayong Semana Santa.

Balanga Bishop Ruperto Santos| Imahe mula sa CBCP

“As our faithful stays at home, it is a help for them to be catechized by watching our Diocesan YouTube Lenten recollections and passion scenes, instead of watching Netflix or navigating online channels,” ani Bishop Santos sa isang pahayag nitong Huwebes.

Bukod dito, maaaring magbigay-daan din umano ang panonood ng ‘senakulo’ sa mga kabataan upang maging aktibo sa kanilang parokya. Makatutulong din raw ito sa pagninilay ngayong Holy Week.

“Senakulo makes our young people be active in parish, creative in reaching to others and maximize their talents for the service of the diocese and for God’s glory,” dagdag na pahayag ni Bishop Santos.

Ang Senakulo o Passion Play ay isang pagsasadula  ng naging buhay, pagpapakasakit, pagkapako sa Krus, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus, ang sentro ng pananampalataya ng mga Kristiyano, partikular na ng mga Katoliko.

Screenshot mula sa You Tube video

Ito ay isang tradisyon na nagsimula pa noong panahon ng mga Kastila kasabay ng penitensiya at maraming pang iba na hanggang sa kasalukuyan ay ginagawa pa rin ng mga Katolikong Pinoy sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Dahil halos sarado ang mga simbahan ngayon sa Metro Manila dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ), karamihan sa mga mananampalataya ay sa bahay na lang nanonood at nakikilahok sa pamamagitan ng telebisyon.

Karamihan sa mga simbahan ay ginagawa na lang nag kanilang aktibidad sa pamamagitan ng Facebook Live o live streaming sa You Tube.

Samantala, heto ang isang Tagalog version ng ‘Pasyon ni Hesus’ na mapapanood sa You Tube:

Loading…