Sa Israel puwede nang hindi magsuot ng face mask kapag nasa labas o open spaces

Screenshot mula sa The Media Line video
  • Pinapayagan na ang mga Israelites na hindi magsuot ng face mask kapag nasa outdoor o open spaces
  • Sinabi ng Health Ministry na ang pagluluwag ay bunsod ng matagumpay na vaccination program ng bansa
  • Ang mga paaralan mula kindergartesn at high school ay binuksan na rin
  • Ang pagsusuot ng face mask ay required pa rin kapag na sa eclosed public places gaya ng malls, simbahan at classrooms

Niluwagan na ng pamahalaan ng Israel ang patakaran sa pagsusuot ng face mask. Pinapayagan na ang mga mamamayan na hindi magsuot nito kapag nasa outdoor o open spaces.

Screenshot mula sa The Media Line video

Ang pagluluwag sa naturang health regulation ay ipinag-utos ni Health Minister Yuli Edelstein kasunod ng ginawang konsultasyon sa mga eksperto ng ahensya.

“The masks are intended to protect us from the coronavirus. After professionals decided this was no longer required in open spaces, I decided to enable taking them off,” wika ni Minister Edelstein.

Sa kabila ng pagluluwag na ito, inirerekomenda pa rin ng Health Ministry ang pagsusuot ng face mask sa mga malalaking outdoor gatherings. Ang pagsusuot ng face mask ay required pa rin sa mga enclosed public places tulad ng shopping malls, simbahan at iba pang enclosed spaces.

Ayon kay Health Minister Edelstein, ang pagluluwag sa face mask requirement ay bunsod ng tagumpay ng vaccination program ng Israel. Ito ay matapos umabot sa 81% ng mga mamamayang may edad 16 years old pataas ang nabakunahan na ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.

Imahe mula sa 124

Matapos ang pagbabakuna ay  malaki ang ibinaba ng mga nahahawahan at dinadala sa mga pagamutan dahil sa COVID-19.

“Being without a mask for the first time in a long time feels weird. But it’s a very good weird. If I need to be masked indoors to finish with this – I’ll do everything I can,” masayang pahayag ng isang 19-anyos na Israeli.

Ang mga paaralan mula kindergarten hanggang high school ay binuksan na rin, subalit mahigpit na binilinan ang mga guro na panatiliing well-ventilated ang mga silid-aralan. Kailangan pa ring magsuot ng face mask ang mga estudyante sa loob ng mga classrooms maliban na  lang kung nasa gym class o kumakain.

Basahin: Mga residente ng Gibraltar maaari nang walang face mask sa mga pampublikong lugar

Katulad ng Israel, ang mga mamamayan sa Gibraltar na  isang British Overseas Territory na matatagpuan sa southern tip ng Iberian Peninsula ay pinapayagan na ring hindi magsuot ng face mask kapag nasa mga pampublikong lugar, pero compulsory pa rin ang pagsusuot nito sa mga public transportations at sa loob ng mga shops.

Public domain image

Loading…