Sec. Locsin ipinagtanggol si Angel: “At least she tried to feed them”

Imahe mula sa Inquirer/Facebook
  • Isa si Sec. Teddy Locsin sa mga nagtanggol kay Angel Locsin
  • Hindi naman daw kailangan pang humingi ng tawad ni Angel sa kabila ng nangyari
  • Bukod dito, maganda rin umano ang layunin ng community pantry ng aktres

Marami man ang bumatikos marami rin ang nagtanggol kay Angel Locsin matapos ang nakalulungkot na insidente sa kaniyang itinatag na community pantry nitong Biyernes, Abril 23.

Isa sa mga dumepensa kay Angel ay si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teddy Locsin na ayon sa kaniya ay hindi na kailangang humingi ng kapatawaran ang aktres.

“No forgiveness needed; at least she tried to feed them; one was so starved and weak she couldn’t feed him in time,” ayon kay Sec. Locsin sa kaniyang Twitter.

BASAHIN: Community pantry inilunsad ni Angel sa kaniyang kaarawan: dinagsa ng maraming tao

“Blame those who don’t do what she and others like her—like my friends from the very start of the pandemic—are trying to do: feed the hungry and not their egos,” dagdag pa ng kalihim.

Magugunitang isang seniopr citizen ang binawian ng buhay matapos himatayin habang nakapila at naghihintay na makakuha ng pagkain sa community pantry ni Angel na ginanap sana bilang paggunita sa kaniyang ika-36 na kaarawan.

Community pantry ni Angel| Imahe mula sa PNA

Sa isang video na ibinahagi ng aktres, emosyonal itong humingi ng tawad sa pamilya ng 65-anyos na Rolando dela Cruz at nangakong tutulungan niya ang mga naulila ng matandang lalaki.

Sa isa pang tweet, sinabi rin ni Sec. Locsin na mabuti umano ang naging layunin ng aktres kahit pa may hindi magandang nangyari.

“You meant well. Road to hell is not paved w/ good intentions; that’s the excuse of animals whose intentions are always bad but know the road to hell well because they came from there,” patuloy ng DFA official.

“But keep away from Filipino political advisers; they are born stupid. Same advice for my side,” ayon pa dito.

Image by Angel Locsin via Facebook

Samantala, iginiit naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na walang koordinasyon sa kanila ang community pantry ni Angel.

BASAHIN: Pag-imbita ni Angel Locsin sa milyun-milyong followers malaking kamalian, ayon sa barangay chairman

Maging si Barangay Holy Spirit Chair Felicito Valmocina ay isinisi ang insidente sa imbitasyon ng aktres sa social media at kawalan din umano ng ugnayan sa kanilang barangay.

Loading…