Sen. Leila De Lima binigyan ng medical furlough dahil sa posibleng mild stroke

Imahe mula sa Office of Senator Leila De Lima
  • Pinayagang makalabas ng detensyon si Sen. Leila De Lima upang masuri sa pagamutan
  • Batay sa eksaminasyon ng doktor, posibleng na-mild stroke ang senadora
  • Nakaranas ng pananakit ng ulo at panghihina ng katawan ang senadora simula noong April 20

Binigyan ng Muntinlupa Regional Trial Court ng tatlong araw na medical furlough si Senator Leila De Lima matapos niyang makaramdam ng pananakit ng ulo at panghihina ng katawan – mga sintomas na noong April 20 pa umano nararamdaman ng senadora.

Imahe mula sa Office of Senator Leila De Lima

Batay sa ginawang eksaminasyon ni Dr. Meophilia Santos-Cao, si Sen. De Lima ay posibleng na-mild stroke.

“That after she was examined, Dr. Santos-Cao left an impression that accused De Lima experienced a Transient Ischemic attack (mild stroke), hence, the urgent and extremely important need to rule out a cerebrovascular accident and immediate Brain Magnetic Resonance Imaging (MRI) with contrast,” ayon kay Judge Leizel Aquiatan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205; isa  sa dalawang korte na dumidinig sa mga kaso ng senadora.

Ayon kay Judge Aquiatan, ang three-day medical furlough si Sen. De Lima ay magsisimula ng alas-diyes ng umaga ng Sabado,  April 24.

Sa Manila Medical Center dinala ang senadora para sa masusing eksaminasyon upang matiyak ang kanyang kondisyon. Ang MRI at iba pang tests na kailangang gawin ay hindi available sa Philippine National Police General hospital.

Imahe mula sa Office of Senator Leila De Lima

Nilinaw ni Judge Aquiatan na sa loob ng tatlong araw na medical furlough, ang mga abogado, representatives at mga kaanak ni Sen. De Lima ay hindi pinapayagang magpaunlak ng panayam o maglabas ng press statements.

Tiniyak naman ng senadora na hindi niya pahahabain ang confinement sa ospital nang hindi kinakailangan. Sinabi rin niya na susunod sa mga health protocols ang mga kasama niya sa pagamutan at siya ang magbabayad sa lahat ng magagastos.

Source :

GMA , ABS-CBN

Loading…