Seven million residents ng NCR kailangang mabakunahan upang bumilis ang economic recovery

Imahe mula sa Manila PIO
  • Kinakailangang mabakunahan ang 7 million NCR residents upang bumilis ang economic recovery ng bansa
  • Inaasahan ng OCTA Research na magagawa ito sa third quarter ng taon
  • Sa kasalukuyan, nasa mahigit isang milyong mamamayan pa lang ang nababakunahan mula nang inilunsad ang vaccination program noong March 1

Kinakailangang mabakunahan ang tinatayang pitong milyong residente ng National Capital Region (NCR) o Metro Manila upang mapabilis ang economic recovery ng bansa, ayon sa miyembro ng OCTA Research Group na si Dr. Guido David.

Screenshot mula sa ABS-CBN

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. David na 30% hanggang 50% ng Metro Manila residents ang dapat mabakunahan ng pamahalaan upang makontrol ang COVID -19 transmission at maiwasan ang panibagong outbreak.

Umaasa si Dr. David na sa third quarter ng taon ay mabakunahan na ang malaking bahagi ng NCR upang maluwagan na ang mga restriksyon sa mga negosyo.

“Nasa seven million people sa NCR na kailangan ma-vaccinate…Hopefully by the third quarter. Kapag nagawa na natin ‘yon mas mabilis ang economic recovery. ‘Di pa naman old normal pero maluluwagan ang restrictions sa mga businesses,” aniya.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Prof. Ranjit Rye, miyembro rin ng OCTA Research, na sa gitna ng kakulangan ng COVID-19 vaccine sa bansa ay mahalagang bigyan ng prayoridad ang mga residente ng Metro Manila at Calabarzon na mabakunahan.

Imahe mula sa PCOO

Inihalintulad pa niya sa isang ahas ang COVID-19 sa bansa at ang ulo raw nito ay nasa NCR at Calabarzon.

“If we believe that if the pandemic is a snake in the country, the head is in the NCR and the Calabarzon. So, if you cut the head off—I’m sorry if you’re a snake-lover—we believe that will have an impact on the overall war against COVID,” wika ni Prof. Rye.

“We’ll probably be able to open up at least the economy if we’re able to see the decline in these centers where the majority of the cases are. If we do this, we might not achieve herd immunity, but we will achieve a situation of decline in cases and a possibility, a very good basis for opening up the economy,” sabi pa niya.

As of April 20, nasa mahigit isang milyong mamamayan pa lang ang nababakunahan mula nang inilunsad ang vaccination program noong March 1.

Vaccination program ng gobyerno| Imahe mula sa PIA

Loading…