Sharon Cuneta may update sa kalagayan ni Fanny Serrano

Screenshot mula sa Instagram ni Sharon Cuneta
  • Nagbigay ng update si Sharon Cuneta tungkol sa kalagayan ni Fanny Serrano
  • Nakaka-grip na umano ang kamay ni celebrity stylist
  • Ganun pa man, patuloy pa rin daw ang kaniyang pagdasal para sa paggaling ng kaniyang kaibigan

Nagbahagi ng update si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa kalagayan ng kaniyang malapit na kaibigang si Fanny Serrano na isinugod sa pagamutan noong Marso matapos ang ‘massive stroke’.

Sa kaniyang Instagram Live nitong Lunes, sinabi ng actress-singer na kahit paano ay nakaka-grip na ang kamay ng sikat na celebrity stylist.

Screenshot mula sa IG Live ni Sharon Cuneta

Nagpasalamat din si Sharon sa lahat ng mga nagdarasal para sa patuloy na paggaling ng kaniyang Tita Fanny.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagdadasal para kay TF. You know miracles still do happen because TF ngayon po ay nakaka-grip na daw siya nang lightly ng kamay ng doktor,” ani Sharon sa kaniyang mga followers sa Instagram.

Ganun pa man, ipinagdarasal pa rin umano niya ng full recovery ng kaniyang kaibigan.

“We are praying na matuloy na ang physical therapy niya. So that’s all I’m saying. I had permission to post what I did before but now I just want us to pray for his full recovery,” patuloy ng aktres.

Imahe mula sa Facebook

“But God really still makes miracles happen. So praise God talaga,” dagdag pa ni Sharon.

Noong isang linggo ay inihayag ni Sharon ang kaniyang labis na pag-aalala at kalungkutan sa paglala ng kalagayan ni Fanny Serrano. Ibinahagi niya rin na nahihirapan nang huminga ang stylist kapag walang life support.

“Tita Fanny is now on life support…meaning, without all the machines connected to him, he would no longer be able to breathe on his own,” lahad ni Sharon sa kaniyang naunang Instagram post.

Screenshot mula sa Instagram ni Sharon Cuneta

Bagama’t alam niya umanong maaaring ito ang plano ng Diyos, nahihirapan pa rin si Shawie lalo pa’t ni hindi man lamang niya makita o madalaw ang kaibigan.

“There are just no words for how painful this is for me and the others who love you…Bakit naman ni hindi tayo puede magkita ngayon pa? Puede mo ba ako hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sayo gaano kita kamahal?” dagdag pa ni Megastar.

Noong Disyembre 2016 ay isinugod din si Fanny sa Philippine Heart Center sa Quezon City dahil sa stroke. Sinabi rin niya sa kaniyang panayam kinalaunan na isang ‘milagro’ ang kaniyang paggaling noon mula sa nasabing sakit.

Loading…