Sharon Cuneta nagpasalamat sa P50k donasyon ni Angel Locsin para sa Pawssion Project

Imahe mula sa Instagram | Angel Locsin at Pawssion Project
  • Humingi ng paumanhin si Sharon Cuneta kay Angel Locsin dahil isinapubliko ng una ang malaking donasyon na ginawa ng real-life Darna
  • Nagpasalamat din ang Megastar dahil patuloy sa pagtulong ni Angel hindi lang sa kaniyang kapwa tao kundi maging sa mga hayop
  • Nagbigay ng P50,000 na donasyon si Angel Locsin para sa Pawssion Project, isang animal welfare group

Nagpasalamat si Megastar Sharon Cuneta sa generous donation ng aktres na si Angel Locsin para sa isang animal welfare group.

Sa isang post sa Instagram ay humingi ng paumanhin si Sharon dahil kailangan niyang ipaalam sa mga tao ang kabutihang loob ng tinaguriang “real-life Darna.”

Imahe mula sa Instagram | Angel Locsin

“Pasensya ka na, anak ko @therealangellocsin pero wag kang magtatampo sa akin!!! Thank you with all my — our hearts for your generous P50,000 donation to @pawssionproject!!! We love you!!!” panimula ni Sharon.

Napahanga rin daw si Sharon dahil hindi lamang mga tao ang tinutulungan ni Angel. “Mabuhay ka, anak! Thank you for helping the voiceless and showing them so much love and support. Lahat tinutulungan mo, hindi lang kapwa tao natin. God bless you always!”

Nirepost naman ng Pawssion Project ang post ni Sharon sa kanilang Instagram stories at tinawag na “real-life super hero” ang aktres.

Matatandaang makailang ulit na nag-viral si Angel dahil sa kaniyang pagtulong sa mga Pilipino sa panahon ng pandemya.

Imahe mula sa Instagram | Angel Locsin

Sa kalagitnaan ng enhanced community quarantine ay nanguna si Angel sa donation drive upang makapag-set up ng tents para sa frontliners.

[RELATED: Angel Locsin, pinasalamatan sa pagbabahagi ng air conditioned tents]

“We acknowledge that this is a challenging time for everyone, but we also know that we, Filipinos, are strong and resilient, especially when united. We made it through Ondoy, Yolanda, Mt. Pinatubo, and Taal eruption and we will surely overcome this as a nation,” sabi noon ni Angel.

[RELATED: Pang. Duterte, Angel Locsin pinangalanang Most Admired Man at Woman sa Pinas]

Noong 2020 ay kinilala bilang Most Admired Woman si Angel sa bansa. Sa survey na isinagawa ng market research and data analytics firm na YouGov ay nakapagtala si Angel ng 15.03 percent admiration score.

Loading…