Sharon sabik nang magkaapo? “Kahit magpa-surrogate na lang si Kayce”

Image by Sharon Cuneta and KC Concepcion via Instagram
  • Sharon Cuneta naiinip na raw na magkaapo kay KC Concepcion
  • Sharon: Kahit magpa-surrogate na lang si Kaycee masaya na ako basta eggs n’ya
  • Nag-post ang Mega Star ng collage family photo kasama sina KC at Gabby Concepcion

Naiinip na ang Mega Star na si Sharon Cuneta na magkaapo sa anak niyang si KC Concepcion kaya’t kahit magpa-surrogate na lamang daw si KC ay masaya na siya.

Image by KC Concepcion via Instagram

“Inip na inip na nga ako! Kahit magpa-surrogate na lang si Kaycee masaya na ako basta eggs n’ya,” ang sagot ng pamosong mang-aawit sa komento ng isang netizen na sana raw ay magkaroon na ng sariling pamilya at magka-baby na si KC.

Naganap ito makaraang mag-post ang Mega Star ng collage family photo nila kasama ang ex-husband niyang si Gabby Concepcion. Caption niya rito, “This girl is the very best ‘thing’ we ever did together @itskcconcepcion Right, Papi? @concepciongabby #oncewewereafamily.”

Sa ngayon ay 36 anyos na si KC at walang inaaming karelasyon sa kabila ng bali-balitang nakikita silang magkasama ni Apl.de.Ap. Kabilang sa mga dati nang nakarelasyon ng aktres sina Rico Blanco, Billy Crawford, Director Lino Cayetano, Piolo Pascual, Paulo Avelino, footballer Ali Borromeo at French businessman Pierre Plassart.

Sa kanyang mga naunang panayam ay sinasabi ni Sharon na gusto na talaga niyang magkaapo; aniya, “I’ve been ready for a long time. She’s the one that’s not because I like babies. I can’t wait! I had a baby early. It has its pluses and minuses. But one of the pluses is getting to grow up with your kid.”

Image by KC Concepcion via Instagram

Saad pa niya, sa tingin daw niya ay “cool” ang maging lola bago siya abutin ng edad na 60. Matatandaan aniya na 19 taong gulang lamang siya nang ipanganak niya si KC.

Pero paglilinaw ni Sharon, ayaw niyang madaliin ang anak na magpakasal hangga’t hindi pa niya natatagpuan ang nararapat na lalaki. Hindi naman daw siya naghahangad ng mayamang-mayaman para sa anak; bagkus ay ‘yung responsable at aalagaan ang kanyang prinsesa.

Image by Sharon Cuneta via IG
Source :

Bandera, PhilStar

Loading…