Si Chiara Zambrano ang ‘nakadiskubre’ ng China, ayon kay Vice Ganda

Imahe mula sa Twitter
  • Naging biruan sa ‘It’s Showtime’ ang ginawang pag-uulat ni Zambrano kamakailan
  • Si Chiara Zambrano raw ang nakadiskubre ng China, biro ni Vice Ganda
  • Nadamay rin sa biruan ang bilang ng sinag ng araw sa bandila ng Pilipinas

Dahil mainit na naman ngayon ang usapin sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pinas at China, pabirong naungkat ito kamakailan sa ‘It’s Showtime’.

Ito ay matapos mapunta ang usapan sa ‘Tawag ng Tanghalan’ sa ‘history’ o kasaysayan na nagkataong paboritong subject ng isang kalahok.

Screesnhot mula sa ABS-CBN video

Sa naturang segment, pinaalalahanan ni Vice Ganda ang kaniyang co-host na si Vhong Navarro tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng history.

Ito ay nauwi sa pagtatanong ni Vice kay Vhong tungkol sa ilang ‘basic’ na kaalaman sa kasaysayan tulad ng kung sino ang pambansang bayani at at kung sino ang nakadiskubre sa Pilipinas.

Subalit isang tanong ang hindi nasagot ni Vhong: “Who discovered China?”

Inamin naman ni Vhong na hindi niya ito talaga alam, kaya ‘tinuruan’ siya ni Vice.

Screenshot mula sa ABS-CBN News video

“Chiara Zambrano,” pakli ni Vice. “Si Chiara Zambrano ang naka-discover na ang China pala ay malapit na sa Palawan! Na sa Juan Felipe Reef na pala! Sila ang nakakita.”

Nadako rin ang kanilang biruan sa bilang ng sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas. Ayon kay Vice, baka nabawasan na rin ito at ‘kinuha’ ng China ang isa.

“Baka kinuha na naman ng China ‘yung isa, pito na lang ngayon. Dati kasi walo, pero hindi natin alam, baka nahiram na naman ng China,” biro pa ‘It’s Showtime’ host, na bumenta naman sa mga netizens.

Imahe mula sa Twitter

Magugunitang si Chiara Zambrano ang ABS-CBN reporter na sakay ng isang bangkang hinabol ng Chinese coast guard habang patungo sila sa Ayungin Shoal kamakailan.

BASAHIN: Bangkang sinakyan ng ABS-CBN crew itinaboy, hinabol ng Chinese coast guard sa WPS

Dahil sa kaniyang ulat tungkol dito, pinalakas ng Pilipinas ang kanilang maritime patrol sa lugar kung saan nakahimpil ang maraming sasakyang pandagat ng China sa West Philippine Sea.

Kinilala rin ng AFP ang kaniyang ipinakitang responsable at matapang na uri ng pamamahayag.

“In her faithful commitment to the tenets of responsible journalism, she has raised public awareness and patriotism on the recent sovereign incursions by Chinese Coast Guard and People’s Liberation Army Navy inside the Exclusive Economic Zone of the Philippines,” ayon sa AFP.

Video:

Loading…