Sino ang gaganap? ABS-CBN gagawa ng Pinoy adaptation ng ‘Doctor Foster’

Image by The World of the Married via IG
  • Philippine adaptation ng Doctor Foster, selyado na sa pagitan ng BBC Studios at ABS-CBN
  • Napanood sa Pilipinas ang Korean remake nito na The World of the Married
  • Netizens, nagbigay ng suhestiyon sa gusto nilang gaganap sa Pinoy remake

Pinag-uusapan na ngayon ng mga Kapamilya kung sinu-sino ang gusto nilang gumanap sa Pinoy adaptation ng psychological drama na Doctor Foster. Ito ay makaraang ianunsyo ng ABS-CBN na nakipagkasundo na sila sa British content company na BBC Studios para maisagawa ito.

Image by The World of the Married via IG

Matatandaang mas nakilala ang serye sa Pilipinas makaraang maiere rito ang Korean adaptation nito na may pamagat na The World of the Married na talaga namang sinubaybayan ng mamamayang Pilipino.

Sey ng netizens, bagay raw sina Ellen Adarna, John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban sa remake. Mayroon ding nagsabi na sina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto ang pupuwedeng gumanap. Bagay rin daw si Judy Ann Santos sa palabas.

Kaugnay sa kasunduan sa BBC Studios, nagpasalamat si ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes sa BBC Studios sa pagtitiwala sa ABS-CBN na magsagawa ng remake.

Aniya, “It is a privilege for us to be able to produce this highly engaging and relatable story for the Filipino audience. A scorned woman’s strength is real as she fights to stay whole when the marriage and family she values most is falling apart.

“True to our commitment to serve the Filipino, we are excited to create our own retelling of this beautiful story, to see the characters come alive with unique Filipino elements that will definitely excite our audiences.”

Imahe mula sa Wikipedia

“It truly is an honor to know that ‘Doctor Foster’ will be coming to life in the Philippines under the extraordinary creative team at ABS-CBN Entertainment,” ang pahayag naman ni SVP Format Sales for BBC Studios André Renaud.

Maliban sa South Korea, mayroon na ring adaptation ang serye sa France, Russia, Turkey at India.

Image by The World of the Married via IG

Loading…