Sir Raffy Tulfo, ‘na-ghosting’ rin pala ng isang sikat na vlogger?

Screenshot mula sa You Tube
  • ‘Na-ghosting’ na rin pala si Sir Raffy Tulfo ng isang sikat na You Tuber
  • Hindi raw ito sumipot sa kanilang pinag-usapang collaboration
  • Hindi naman binanggit ni Idol kung sino ito bagama’t nananatili pa rin daw na kaibigan niya ang vlogger

May pangaral si Idol Raffy Tulfo para sa mga vlogger at YouTuber na sikat na ngayon – ‘wag naman daw sanang lumaki ang kanilang ulo at makalimutan na kung saan at paano sila nagsimula.

Ito ay matapos na siya mismo ay ‘ma-ghosting’ ng isang sikat na YouTuber na hindi sumipot sa kanilang pinag-usapang pagkikita.

Imahe mula sa 7ESL

Ang ‘ghosting’, na karaniwang iniuugnay sa mga personal na relasyon sa pag-iibigan, ay ang biglang pagputol ng komunikasyon ng isang tao sa kaniyang karelasyon nang walang paliwanag o pasabi. Ito umano ang ginawa ni Gerald Anderson sa kaniyang dating GF na si Bea Alonzo.

Samantala, ikinuwento ni Idol ang kaniyang karanasan sa programang ‘Raffy Tulfo In Action’ noong isang araw, bagama’t wala naman itong kinalaman sa ‘kuwento ng pag-ibig’.

Isa raw kasing sikat na YouTuber ang tumawag sa kaniya para makipag-collab, na pumayag naman siya nang magkaroon ng oras.

Screenshot mula sa You Tube

“Sabi ko ‘Sige collab…’ Dumating ‘yung time ng collaboration — ako ma-una — nag-ready ako, gumawa ako ng malaking preparation and all,” bahagi ni Sir Raffy.

Subalit nang naroon na siya sa pinag-usapang lugar ay nag-text daw ang tauhan ng vlogger na hindi na ito matutuloy dahil hindi makararating ang kaniyang ‘boss’.

Sa kabila nito, kahit hindi pa rin tumatawag sa kaniya ng vlogger para mag-sorry, itinuturing pa rin naman niya itong isang kaibigan.

Screenshot mula sa You Tube

“Huwag ho nating kalimutan kung saan tayo nanggaling,” payo ni Idol sa mga sumisikat ngayon sa social media. “ Ako… ang iniisip ko I’m still Raffy Tulfo na ang paa ay nasa lupa.”

Hindi na rin sinabi ni Sir Raffy kung sino ang kaniyang tinutukoy bagama’t tiniyak niyang hindi ito sino man kina Alex Gonzaga, Willie Revillame, Donita Nose, Ivana Alawi, Kris Aquino, Sharon Cuneta o ang tandem nina DonEkla.

Panoorin ang pagbabahagi ni Sir Raffy:

Loading…