SM Group bibili ng 600K doses ng COVID vaccine; ibibigay ang ilang bahagi nito sa gobyerno

Imahe mula sa SM
  • Bibili ang SM Group ng 600,000 doses ng COVID vaccine para sa kanilang mga empleyado
  • Ibibigay naman sa gobyerno ang ‘ilang bahagi‘ nito, ayon sa presidente ng SM Supermalls
  • Posibleng sa third quarter ng kasalukuyang taon dumating ang kanilang order

Nakatakdang dumating sa bansa sa ikatlong quarter nitong taon ang inorder ng SM Group na nasa 600,000 doses ng COVID vaccine para sa kanilang mga empleyado.

Ido-donate naman sa gobyerno ang ilang bahagi nito, ayon kay SM Supermalls president Steven Tan sa panayam ng ANC nitong Lunes. Hindi pa tiyak kung ilang porsiyento ang kanilang ibibigay sa pamahalaan subalit maaaring nasa ‘kalahati’ umano ito ng kabuuang order.

Imahe mula sa SM

Kaagad ding sisimulan ang roll-out ng bakuna kapag dumating na ang kanilang order na AstraZeneca, Sinovac at Moderna vaccine.

“As soon as it is available for us, we will start rolling it out. I believe it will arrive sometime in the third quarter,” ani Tan.

Imahe mula sa SM

Sa kasalukuyan, nasa kalahati pa lang daw ng kanilang mga empleyado ang pumayag na magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Samantala, sinimulan na rin ng SM Group noong nagdaang linggo ang kanilang pakikipagtulungan sa mga local government units (LGUs) para sa ‘multi-mall vaccination drive’ kung saan pinagagamit ang mga malls para gawing venue ng rollout ng bakuna sa iba’t-ibang lugar.

Imahe mula sa SM

“As part of our continuing efforts in preventing the further spread of COVID-19, SM malls all over the country can provide convenient, safe and accessible venues for the community to get vaccinated. Through our long-standing relationship with the LGUs, we remain committed in ensuring the health and safety of the public,” ayon kay Tan.

Sa nasabing programa, inuunang bakunahan ang mga nasa priority list tulad ng mga health workers, front liners at senior citizens.

Para malaman ang schedule sa inyong lugar, i-click lamang itong LINK.

Source :

ABS-CBN News, SM

Loading…