Smart boy! Throwback video ng isang Pinoy exchange student noong 50s na mahusay magsalita hinangaan

  • Humanga ang mga netizens, lalo na ang mga millennials at Generation Z sa isang throwback video
  • Makikita ang isang batang Pinoy exchange student na napakahusay sa pagsasalita
  • Kinilala siya sa pangalang Raul Contreras

Isa sa mahahalagang makrong kasanayan ng isang tao ang pagsasalita, dahil ito ang magiging daan upang makipag-ugnayan sa kapwa at lipunan sa pamamagitan ng komunikasyon. Sadyang may lamang sa iba’t ibang oportunidad sa mundong ito ang mga taong mahuhusay magsalita at magpahayag ng kanilang sarili sa madla.

Kaya naman, hindi naiwasang humanga ng mga netizens sa ibinahaging throwback video mula sa YouTube channel, ng isang netizen na si Stefan Navarro.

Makikita sa kaniyang Facebook post ang larawan ng isang batang mag-aaral na nagngangalang ‘Raul Contreras’ na napakahusay magsalita, sa kabila ng kaniyang edad. Kuha ito noong taong 1956.

Imahe mula sa Facebook account ni Stefan Navarro

“Raul Contreras during the 1956 High School Exchange Students Debate on Prejudice together with students from Indonesia, Japan, and UK. Man. What. He. Said,” saad sa caption ng kaniyang post.

Kamangha-mangha ang paraan ng pagsasalita ng bata dahil napakatatas niya sa wikang Ingles, at klarong-klaro ang paglalatag niya ng kaniyang mga ideya, na para bang isa na siyang mature adult. Makikitang maging ang kaniyang mga kasamang mag-aaral mula sa tatlong bansa ay napapatulala na lamang sa kaniya.

Sa video, tinanong sila ng moderator kung ano ang masasabi nila hinggil sa isyu ng ‘prejudice.’ Para kay Raul, direkta siyang tinanong ng babaeng moderator at host na rin na “Are there any prejudices in the Philippines between gropus of people?”

“Yes, there are existing prejudices between groups of people. As a matter of fact, most of us still, well, are prejudiced against a group of hybrids, those who have more Spanish blood than Filipino blood in them, and we termed them as Mestizos.”

Image capture mula sa YouTube channel

Narito naman ang mga reaksyon at komento ng mga nakapanood na netizens.

“Amazing smart boy! We can barely hear Filipino teens nowadays expressing their thoughts and opinions with confidence,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “I’m so impressed with this kind of discussion. This is evidence that we’ve devolved. They interacted in casual yet professional manner without throwing a slur or a bad word, while we get pissed just because someone has a different opinion.”

Samantala, nagpasalamat naman ang anak ng batang iyon sa kasalukuyang panahon na si Kate Contreras, sa mga netizens na pumupuri sa throwback video ng kaniyang mahusay na ama.

“Hi the Filipino guy was my father. Was so touched by all the comments and praises. And yes, he was extremely brilliant. Was shocked this video even existed.”

Sabi pa ng ibang mga netizens, kung sa panahon daw ngayon nangyari ang naturang debate, baka raw ‘nose bleed’ na ang kabataang makaririnig nito ngayon.

Samantala, ang iba pang kasama ni Contreras sa naturang debate ay sina Yoriko Konishi ng Japan, Ratnati Iskandar Dinata ng Indonesia, at Judith Reader ng United Kingdom.

Image capture mula sa YouTube channel/Public Domain Image

Hindi man lubusang nakilala sa mundo ng sosyo-politika, naging aktibo si  Contreras sa mga usaping pampolitika, lalo na sa panahon ng administrasyong Aquino III. Si Contreras ay sumakabilang-buhay noong 2021, sa edad na 72.

Panoorin ang nakabibilib na throwback video at mamangha sa husay ni Raul Contreras via YouTube channel:

Loading…