SMC planong maglagay ng Bus Rapid Transit system sa Skyway 3

Imahe mula sa Facebook/RSA
  • May plano ang SMC na maglagay ng BRT o P2P sa Skyway 3
  • Ito ay maaaring tumakbo mula Susana Heights hanggang Balintawak umano
  • Maaari rin itong gawin sa mga bagong proyektong gagawin sa hinaharap

Ibinahagi ng San Miguel Corporation (SMC) ni Ramon S. Ang ang plano nilang maglagay ng Bus Rapid Transit (BRT) o kaya ay high-capacity na point-to-point (P2P) bus system sa Skyway 3 para mas lalo pang mapaluwag ang trapiko sa Kamaynilaan.

Sa pahayag ni Ang nitong Lunes, sinabi ng business tycoon na posibleng gawin ang proyektong ito mula Susana Heights hanggang Balintawak.

Screenshot mula sa Facebook

“This has been our plan all along – for all our elevated expressways to directly benefit not just private motorists but mostly our commuters as well. The primary purpose of our elevated toll roads is to divert vehicles from public roads to ease traffic for all,” bahagi ni RSA.

“But a bus-based transit system will further maximize the benefits to the public and make commutes faster, easier, safer and more convenient for many,” ayon pa sa COO at presidente ng SMC.

Simula pa noong 2017 umano ay naisip na nila ang proyektong ito dahil alam nilang ang layunin ng elevated expressway ay mabawasan ang bilang ng mga sasakyang nag-aagawan ng espasyo sa daan tulad ng nangyayari sa EDSA.

Imahe mula sa SMC

Bukod, dito malaking ginhawa rin ang maidudulot ng mga proyektong tulad nito sa mga commuters sa Metro Manila.

“However, our need for efficient transport systems will always be there, so more solutions are required. The Skyway BRT system is one viable solution that is also highly scalable,” dagdag pa ni Ang.

Ang BRT system ay tatakbo sa isang linya ng Skyway at maaari rin itong gawin sa iba pang karugtong na expressways.

RSA| Imahe mula sa Tatler PH

Kapag nagkataon, turan ni RSA, hindi lang mula Susana Heights hanggang Balintawak maaaring gawin ang BRT kung hindi sa iba pang mga gagawing proyekto sa hinaharap.

“Those who drive daily may even opt to commute, further easing traffic and reducing pollution. This will be a game-changer, one that will transform mass transit in Metro Manila,” wika pa ng SMC boss.

Loading…