Star Magic nagbabala sa mga nambabatikos sa mga paslit na anak ng mga artista nito

Imahe mula sa Star Magic
  • Naglabas ng statement ang Star Magic tungkol sa pambabatikos na ginagawa ng mga iresponsableng netizens sa mga sanggol na anak ng mga artistang nasa kanilang pamamahala
  • Hindi umano mangingiming gumawa ng legal action ang Star Magic laban sa  mga naturang netizens
  • Kabilang sa  mga biktima ng pambabatikos sa social media ang mga sanggol na anak ni Carlo Aquino at asawang Trina Candazo, at anak ni Janella Salvador at Markus Paterson

Nagpakita ng suporta ang Star magic sa mga talents nito na ang mga anak ay nabibiktima ng mga walang kapararakang pambabatikos mula sa mga netizens.

Screenshot ng Star Magic statement

Naglabas ng pahayag ang Star Magic, ang talent center ng ABS-CBN, tungkol sa mga hindi magaganda at nakababahalang ginagawa ng ilang netizens sa mga paslit na anak ang mga artistang nasa ilalim ng kanilang pamamahala.

“Ang Star Magic ay lubos na nababahala sa pamba-bash at pagbabanta sa mga anak ng aming mga artista sa social media. Ang ganitong uri ng mga post ay iresponsable, walang puso at nakapananakit lamang sa kapwa,” bahagi ng statement ng talent management arm ng ABS-CBN.

Hindi umano ito mag-aatubili na gumawa ng legal action upang maturuan ng leksyon ang mga netizens dahil sa naidulot ng kanilang iresponsableng mga posts.

“Kasama kami ng aming artists sa pagtawag ng pansin sa mga posibleng paglabag sa mga batas laban sa child abuse (Republic Act 7610) at sa libel ng mga indibidwal na ito. Hindi kami mag-aatubiling gumawa ng ligal na aksyon upang mabigyan sila ng leksyon para sa sakit at trauma na kanilang naidulot,” sabi pa ng talent agency.

Imahe mula kay Carlo Aquino

Kabilang sa mga biktima ng pambabatikos ay ang mga anak ni Carlo Aquino at Trina Candazo na si Enola Mithi na pitong buwang gulang pa lang, at ang limang buwang gulang na si Jude Trevor na anak naman ni Janella Salvador sa partner niyang si Markus Paterson.

Agad na ipinost nina Carlo Aquino at Janella Salvador sa kani-kanilang social media accounts ang statement na inilabas ng Star magic.

Imahe mula sa Instagram account ni Janella Salvador

 

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…