Suwerte! Super Lotto 6/49 jackpot na P24 milyon, napanalunan ng isang taga-Lucban, Quezon

  • Isang masuwerteng taga-Lucban, Quezon ang nanalo ng P24 milyon sa 6/49 Super Lotto ng PCSO
  • Maliban sa kanya, mayroon ding 28 na nanalo ng P50,000 dahil nakahula ng lima sa anim na winning numbers
  • Tuloy ang 0perasyon ng lotto games ng PCSO sa mga lugar kung saan umiiral ang mas maluwag na GCQ

Kahit na humaharap sa pandemya ang Pilipinas at buong mundo, patuloy pa rin ang pagbabakasakali ng mga Pilipino. Nairyan pa rin ang maraming raffle, promo, at game show sa telebisyon na pinasisimulan ng ilang kompanya.

Malaking tulong nga naman ang perang mapapanalunan lalo na ngayon at mahirap ang buhay. At sa mga nananalangin ng suwerte, isa ang pinalad na madinig ang panalangin nang masaktuhan niya ang anim na numerong babago sa kanyang buhay.

Larawan mula sa PNA

Kinumpirma ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isang taga-Lucban, Quezon ang nanalo ng tumatagingting na P24 milyon mula sa kanilang Super Lotto 6/49. Ginanap ang pagbola ng masusuwerteng numero noong Huwebes, Abril 22 kung saan ang kombinasyon ay 12, 05, 30, 10, 28, at 27.

Ayon sa PCSO General Manager na si Royina Garma, isa lamang ang tumama at ang winning ticket ay binili sa Lucban, Quezon. Maliban sa instant milyonaryo, mayroon ding 28 katao na nanalo naman ng tig-P50,000 dahil nahulaan nila ang lima sa anim na winning numbers.

Huling napanalunan ang jackpot sa 6/49 Super Lotto noong March 14 kung saan isang mananaya mula sa Negros Occidental ang nag-uwi ng P24.1 milyong jackpotp; mas mataas nang bahagya kumpara sa panalo ng taga-Lucban.

Gayunman, hindi naman lahat ng Pilipino ay maaaring manalo at tumaya sa panahon ng pandemya. Sa mga lugar kung saan ipinatutupad ang general community quarantine (GCQ) lamang maaaring tumaya ng anumang palaro ng PCSO kabilang ang lotto.

Larawan mula sa YouTube

Kasalukuyang suspendido pa rin ang lotto games sa National Capital Region (NCR) Plus bubble dahil ito ay nasa ilalim pa rin ng modified enhanced community quarantine (ECQ).

Upang makuha ang premyo, kinakailangang pumunta ng nanalo sa PCSO main office sa Mandaluyong City at kailangang ipakita ang dalawang valid ID at ang winning ticket.

Loading…