Taiwanese couple 4 na beses nagpakasal, 3 beses nag-divorce para sagarin ang ‘leave benefits’

Imahe mula sa Country Living Magazine
  • Apat na beses nagpakasal ang isang mag-asawa sa Taiwan sa loob ng mahigit isang buwan lamang
  • Tatlong beses rin silang nag-divorce sa loob din ng nasabing panahon
  • Ang layunin lamang ng lalaki ay upang makakuha ng maraming leave benefits

Upang sagarin ang maiipong leave benefits, apat na beses nagpakasal ang isang mag-asawa sa Taiwan sa loob lamang ng mahigit isang buwan.

Noong isang taon pa nangyari ang kakaibang istilong ito ng isang empleyado ng bangko subalit nitong Miyerkules lamang kinumpirma ng Labor Department ng Taiwan.

Ayon sa nag-viral na balita, naka-isip ng paraan ang hindi pinangalanang bank employee upang makarami ng matatanggap na leave benefits.

Imahe mula sa Taiwan Bulletin

Sa Taiwan, ang mga bagong kasal ay maaaring makatanggap ng paid leave ng hanggang walong araw.

Para masagad ang benepisyong ito, ang lalaki umano at ang kaniyang misis ay apat na beses na nagpakasal sa loob ng 37 araw. At sa loob ng nasabing panahon ay tatlong beses din silang nag-divorce.

Dahil dito, nakatanggap ng aabot sa 32 araw na paid leave ang lalaki. Ang kasalukuyang batas ng Taiwan ay hindi nagtatakda kung hanggang ilan lamang ang maaaring ibigay na marriage leave sa mga empleyado.

At dahil inabuso umano ng lalaki ang sistema, umalma naman ang bangkong kaniyang pinagtatrabahuan, dahilan para umapela ang naturang empleyado sa Labor Department.

Pinatawan naman ng Labor Department ang bangko ng multang TW$20,000 (US$670) dahil sa paglabag raw sa regulasyon.

Imahe mula sa thespruce.com

Umani ng batikos sa social media ang ginawa ng lalaki dahil sa pagsasamantala umano sa’legal loophole’, at maging ang Labor Department dahil sa ipinataw na multa.

“Unbelievable, this guy is like playing house with his marriages and divorces. What if he wants to get married and divorced every day? He should be granted sick leave rather than marriage leave,” ayon sa isang nagkomento sa social media.

Kinalaunan ay binawi rin ng Labor Department ang kanilang parusa at inaming mayroon ngang pagkakamali sa kanilang naging desisyon. Nangako rin ang departamento na aayusin nila ang pagkukulang sa nasabing batas.

Loading…