Tali na pang-ponytail sa buhok ni Jinkee Pacquiao higit P13,000 ang halaga

Screenshot mula sa video ni Jinkee Pacquiao
  • I-shinare ni Jinkee Pacquiao sa kanyang social media account ang mga pantali niya sa buhok
  • Makikita sa kanyang Instagram page ang tatlong scrunchies o pang-ponytail na gawa ng Fendi
  • Ang set of two ng Fendi ay nagkakahalaga ng $270-$280 o katumbas ng P13,062-P13,547

Opisyal na idineklara ng PAG-ASA ang tag-init na panahon sa bansa noong huling linggo ng Marso. Inaasahang magtatagal ang mainit na panahon hanggang sa buwan ng Mayo.

Imahe mula sa RMN

Ito ang panahon na marami ang nagpapagupit ng buhok, babae man o lalaki. Pero dahil may pandemya, maraming restriksyon na ipinatutupad ang gobyerno. Marami pa ang bawal gawin sa labas ng bahay.

Kahit simpleng pagbisita sa parlor o barber shop ay hindi pa pinapayagan. Kanya-kanyang diskarte na lang. May mga iba na ginugupitan na lang ang sarili. Ang iba naman ay nagtatali na lang ng buhok.

Hindi naiiba sa mga karaniwang mamamayan si Jinkee Pacquiao, ang fashionistang maybahay ni pambansang kamao  Senator Manny Pacquiao. Nagtatali rin siya ng buhok tuwing tag-init.

Ang kaibahan nga lang ay primera klase ang pang-ponytail niya ng buhok. Hindi iyon ang mga uri ng tali sa buhok na nabibili na tig-sampung piso hanggang bente pesos isa. Branded ang mga scrunchies niya.

Sa Instagram page niya, ipinakita ni jinkee ang ilan sa mga pang-ponytail niya sa buhok. Fendi ang brand ng mga iyon. Mamahalin.

Imahe mula sa Instagram account ni Jinkee Pacquiao

Ang set of two ng Fendi scrunchies ay nagkakahalaga ng $270 hanggang $280 – depende sa disenyo. Katumbas ito ng P13,062 hanggang P13,547.

Bukod sa mamamahaling tali sa buhok, makikita rin sa social media account ni Mrs. Pacquiao ang ilang litrato na nakasuot siya ng yayamaning pambahay na damit na gawa ng mga luxury brands na Louis Vuitton, Gucci, Fendi at Balmain.

Imahe mula sa Instagram account ni Jinkee Pacquiao

 

Loading…