Teenager na may longest hair in the world at tinawag na real-life Rapunzel, nagpagupit na

Screenshot mula sa Guinness World Records video
  • Teenager na may pinakamahabang buhok sa buong mundo nagpagupit na
  • Ang Indian national na si Nilandsi Patel ay tinaguriang real-life Rapunzel
  • Umabot sa 6 feet, 6.7 inches ang haba ng buhok ng 18-anyos na dalaga
  • Idi-display ang buhok niya sa Ripley’s Believe it or Not! Hollywood bago iyon dalhin sa Guinness World Records Museum na nasa Hollywood din

Pinaputol na ng 18 anyos na si Nilanshi Patel ang napakahaba niyang buhok makalipas ang labindalawang taon at tatlong Guinness World Records na pinakamahabang buhok sa buong mundo ng isang teenager.

Screenshot mula sa Guinness World Records video

Tinagurian si Nilanshi bilang real life Rapunzel dahil sa kanyang mahabang buhok na umabot sa 6 feet 6.7 inches ang haba.

Sabi niya humaba ang buhok niya dahil hindi na siya nagpagupit mula nang magkaroon ng hindi magandang karanasan sa isang hairdresser noong anim na taong gulang pa lang siya. At makalipas nga ang labindalawang taon ay nagpasiya siya na putulin na ang buhok na tinawag niyang “lucky charm.”

“My hair gave me a lot – because of my hair I am known as the ‘real life Rapunzel’… now it’s time to give it something back,” aniya, na hinalikan pa ang buhok bago iyon putulin.

Medyo nahirapang mag-isip si Nilanshi kung ano ang gagawin sa mahabang buhok na puputulin – ibebenta ba niya iyon? Ido-donate sa charity? o ido-donate sa museum?

Hinikayat siya ng ina na si Kaminiben na nababagay sa museo ang buhok niya.

Screenshot mula sa Guinness World Records video

Ipinangako ni Kaminiben sa anak na siya rin ay magpapaputol ng mahaba niyang buhok at iyon ang ido-donate nila sa charity.

“I’m so excited and a little bit nervous because I don’t know how I’m looking in the new hairstyle… so let’s see what happens, but I hope it’s going to be amazing,” sabi ni Nilanshi.

Matapos gupitan, nilagyan siya ng piring sa mata at dinala sa harap ng isang salamin para doon ipakita ang bagong hairdo.

Screenshot mula sa Guinness World Records video

Masayang-masaya si Nilanshi nang makita ang bago niyang maiksing buhok. Parang isang munting prinsesa raw siya.

“Oh my god it’s beautiful! It’s amazing – I’m like a little princess!” bulalas ng dalaga.

Screenshot mula sa Guinness World Records video

Ang buhok ni Nilanshi ay umabot ng mahigit apat na kilo ang bigat. Ipadadala iyon sa Estados Unidos upang sandaling i-display sa “Ripley’s Believe It or Not! Hollywood” bago iyon dalhin sa Guinness World Records Museum na nasa Hollywood din.

Screenshot mula sa Guinness World Records video

Loading…