Thai Prime Minister pinagmulta dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa isang meeting

Imahe mula sa The Japan Times
  • Pinagmulta ng 6,000 baht ang Prime Minister ng Thailand dahil sa hindi pagsusuot ng face mask
  • Ibinahagi ng PM ang larawan ng kanilang meeting kung saan makikitang siya lamang ang walang mask
  • Inamin naman ng lider ang kaniyang pagkakamali at tinanggap ang multa

Pinagmulta ang Prime Minister ng Thailand na si Prayuth Chan-ocha matapos lumabas nitong Lunes, Abril 26, ang kaniyang larawan na hindi nakasuot ng face mask habang dumadalo sa isang public meeting.

Ayon kay Bangkok Governor Aswin Kwanmuang, sinabihan niya ang Thai PM tungkol sa kaniyang naging paglabag sa health protocol at inamin naman umano ito ng kanilang lider.

Imahe mula sa The Tribune

“After the meeting, the prime minister asked me as the governor of Bangkok to investigate if the case is a wrongdoing. I informed him that his action violates the announcement by the Bangkok Metropolitan Administration which ordered people in Bangkok to wear surgical masks or cloth masks anytime they leave their residence,” bahagi ni Kwanmuang sa kaniyang Facebook

Dahil dito, pinagbayad si PM Prayuth Chan-ocha ng 6,000 baht (PhP 9,200) bilang multa sa gitna ng pinaigiting na health protocol sa Thailand dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng nahawahan ng COVID.

“Later, I travelled to Government House with the Metropolitan Police chief and inspectors from the Dusit police station. The prime minister agreed to be fined,” ayon pa sa Bangkok governor.

Ang picture ng meeting| Imahe mula sa CNA

Ang larawan ng Thai PM ay kaniyang ibinahagi sa Facebook kung saan makikita ang ilang advisers na may suot na face mask. Pinag-uusapan umano nila sa pagtitipon kung paano mapabibilis at madaragdagan pa ang kanilang inorder na bakuna.

Sa naturang larawan, na kinalaunan ay tinanggal na rin, si PM Prayuth Chan-ocha lang ang walang suot na mask na kaagad namang napansin ng mga netizens.

Ang Thailand ay may naitalang kabuuang 57,508 COVID cases at 2,048 sa mga ito ay nito lamang Lunes naiulat.

Loading…