Third dose ng Pfizer vaccine posibleng kailanganin

Imahe mula sa European Parmaceutical Review
  • Posibleng kailanganin pa ang 3rddose ng Pfizer COVID-19 vaccine anim na buwan hanggang isang taon matapos ang ikalawang dose nito
  • Sinabi ng Pfizer CEO na maaari rin umano na kailanganin ang taon-taong pagbibibgay ng booster shot kontra sa coronavirus
  • Sa ngayon ay hindi pa alam ng mga researchers kung hanggang kailan tatagal ang proteksyon na ibinibigay ng COVID-19 vaccine

Sinabi ng Pfizer CEO na si Albert Bourla na maaaring kailanganin ng mga taong fully vaccinated na ang third dose ng kanilang COVID-19 vaccine sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon matapos matanggap ang 2nd dose.

Imahe mula sa Times of Israel

Sinabi pa ni Bourla na posibleng kailanganin ang pagbibigay ng booster shot taon-taon.

“We need to see what would be the sequence, and for how often we need to do that, that remains to be seen. A likely scenario is that there will be likely a need for a third dose, somewhere between six and 12 months and then from there, there will be an annual re-vaccination, but all of that needs to be confirmed,” ayon kay Bourla.

“It is extremely important to suppress the pool of people that can be susceptible to the virus,” sabi pa niya.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Pfizer na nailathala kamakailan lang, ang Pfizer COVID-19 vaccine ay mahigit 91% effective sa pagbibigay ng proteksyon kontra sa coronavirus at mahigit 95% effective laban sa sever case ng COVID-19 anim na buwan matapos ang 2nd dose.

Imahe mula sa BioSpace

Sa kasalukuyan, hindi alam ng mga researchers kung gaano katagal ang proteksyon na maibibigay ng mga bakuna kontra COVID-19. Kailangan pa raw ng mas marami pang datos upang malaman kung ang proteksyon ay tatagal pa pagkalipas ng anim na buwan.

Source :

Al Jazeera, CNBC

Loading…