Tips ni Dr. Willie Ong kapag may sintomas ng COVID sa gitna ng punuan ng mga pagamutan

Screenshot mula sa video ni Dr. Willie Ong
  • Nagbigay ng mahahalagang tips si Dr. Wille Ong tungkol sa maaaring gawin sa bahay ng mga may sintomas ng COVID-19
  • Tinalakay niya sa video  at ipinaliwanag kung sino ang maaaring manatili sa bahay at kung sino ang dapat nang dalhin sa pagamutan
  • Akma ang mga ibinigay niyang tips sa panahon ngayon kung saan may surge ng COVID-19 sa NCR+ areas na nagreresulta sa overcapacity ng maraming mga pagamutan

Nagbigay ng ilang mahahalagang tips si Dr. Willie Ong, isang cardiologist at internist, kung ano ang libre at murang pamamaraan na maaaring gawin sa bahay kapag may sintomas ng COVID-19, lagnat, trangkaso at iba pang karamdaman.

Screenshot mula sa video ni Dr. Willie Ong

Sa bagong video na inilabas sa kanyang YouTube channel, tinalakay ni Dr. Ong ang “Home care for Covid: Sino Puede at Hindi.” Ipinaliwanag niya kung sino ang maaaring manatili sa bahay at kung sino ang dapat nang dalhin sa pagamutan.

Akma ang mga ibinigay niyang tips sa panahon ngayon kung saan may surge ng COVID-19 sa NCR+ areas na nagreresulta sa overcapacity ng maraming mga pagamutan.

Narito ang ilang sa mga payo niya kung sakaling may sintomas ng COVID-19 at walang mapuntahan dahil puno na ang mga pagamutan.

Aniya, ang mga may mild symptoms ay pwedeng sa bahay na lang magpagaling, subalit kung nahihirapang huminga at ang blood oxygen ay bumagsak sa less than 94% ay dapat nang dalhin sa pagamutan.

Kung may budget ay maaari raw bumili ng pulse oxymeter na pansukat ng blood oxygen.

Screenshot mula sa video ni Dr. Willie Ong

Kung walang budget, itinuro niya ang breathing exercise na dapat gawin upang lumuwag ang paghinga.

Sinabi rin niya na dahil palaging umaapaw sa mga pasyente ang mga ospital ay may mga pagamutan na ngayon na nag-aalok ng home treatment kung saan ang health care professional ang magtutungo sa bahay ng pasyente, pero may bayad iyon.

Panoorin ang video ni Dr. Willie Ong para sa detalyado niyang home care tips:

Source :

YouTube

Loading…