Total transformation ng isang Siberian husky dog nagpaantig sa damdamin ng mga netizens

  • Nagpaantig sa damdaming ng mga netizens ang kuwento ng ‘himala’ patungkol sa isang Siberian husky dog
  • Naispatan siya sa kalunos-lunos na kalagayan ng isang concerned netizen, na siya nang umaruga sa kaniya at naging fur parent niya
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Hindi lamang sa mga tao nangyayari ang kuwento ng ‘himala’ —  maging sa mga hayop ay maaari din itong mangyari.

Marami ang nabagbag ang damdamin, lalo na ang mga certified dog lovers, sa kuwento ng himalang nangyari sa isang galisin at halos wala nang buhay na aso, na isa palang Siberian husky dog na nagngangalang ‘Jake’  sa Texas, USA.

Ibinahagi ito ng kumupkop sa kaniyang fur parent sa Facebook page na ‘ThisIsHouston’ .

Imahe mula sa Facebook page na ThisIsHouston

Sinimulan ng fur parent ang kaniyang post sa paglalagay ng isang quote.

“Fate whispers to the warrior. You cannot withstand the storm. And the warrior whispers back. I am the storm,” saad niya.

Pagkatapos ay isinalaysay na niya kung paano niya natagpuan ang aso noong Oktubre 2020.

“He collapsed hidden away in the dirt. He was preparing to die. Bugs were eating him alive; even his eyes. He was bloody, motionless and lifeless. He barely lifted his head up to us talking to him. Lasted an hour and a half car ride to Vergi 24/7,” kuwento nito.

Hindi raw nagdalawang-isip ang fur parent na dalhin sa beterinaryo ang naturang aso. Kahit na lupaypay at hinang-hina na, naging malakas pa rin ito. Kalakip ng kaniyang post ang mga larawang nagpapakita ng development sa aso, simula sa unang araw na makita niya ang kalunos-lunos na kalagayan nito, hanggang sa tubuan na ng mga balahibo, at mapag-alamang isa pala itong Siberian husky 100%.

Imahe mula sa Facebook page na ThisIsHouston

“Was revived both times! Proved to be a MIRACLE. Took a two hour risky transport to Texas A&M. Finally opened His eyes after a week. He had to learn to walk all over again. Gained over 50lbs! Learned he was 100% Siberian Husky! Made it through entropion surgery. Found his forever family, and here you are living despite it all.”

Ipinagmamalaki ng fur parent ang kaniyang alagang si Jake na isang patunay na may ‘milagro’ talaga. Pinasalamatan niya ang mga taong nakatuwang niya upang maibalik ang dating kisig nito.

“Forever proud of this boy and the fire inside him! This is definitely a transformation for the books! Thank you to everyone who helped make his magical journey possible!”

Imahe mula sa Facebook page na ThisIsHouston

Isa na namang patunay na mapa-hayop o tao man,  huwag nating susukuan habang may buhay!

Source :

Facebook

Loading…