Tubong Cordillera, double winner sa Global Leaders & Educators Award 2021

Image by Adamson N. Labi via Facebook
  • Nag-uwi ng dalawang karangalan sa katatapos lamang na Global Leaders & Educators Award 2021 ang isang tubong Cordillera
  • Natamo ni Dr. Adamson Labi ang award sa mga kategoryang Innovation Category at Excellence in Leadership
  • “Make a Life, Not Just a Living” ang pilosopiyang pinaniniwalaan ni Dr. Labi

Double winner sa katatapos lamang na Global Leaders and Educators Award 2021 si Dr. Adamson N. Labi na tubong Cordillera. Si Labi ang kasalukuyang Special Assistant to the President ng Benguet State University – Cordillera Administrative Region.

Image by Roderick Chiok Awingan via Facebook

Batay sa Facebook post ni Roderick Chiok Awingan, naiuwi ni Labi ang award sa kategoryang Innovation Category at Excellence in Leadership.

Si Labi ang brainchild ng Learning Appreciation By Innovation (LABI Model): Banking on the ATMs of Speech Writing. Kabilang ang inobasyong ito sa mga outputs niya para matapos ang degree na Doctor of Philosophy in Language Education sa Saint Louis University kung saan nakakuha siya ng markang katumbas ng sa Magna Cum Laude.

Si Dr. Labi rin ang namamahala sa Speech Management and Rhetoric Training Systems – Facilitating Innovative Tools & Solutions (SMART FITS) sa loob ng halos sampung taon. Ito ay isang professional training development center na siyang pinakauna at natatanging emceeing at hosting school sa Cordillera.

Pilosopiyang pinaniniwalaan ng awardee ang “Make a Life, Not Just a Living” na nanggaling kina former Great Britain Prime Minister Winston Churchill at America’s Life Coach Dr. Ron Jenson. Translasyon nito sa Filipino ay, Ang buhay ay hindi lamang paghahanapbuhay kundi paghahanap ng kahulugan ng buhay.”

Image by Roderick Chiok Awingan via Facebook

Pagbati naman at papuri ang bumuhos sa panibagong karangalang natanggap ng tubong Cordillera.

Saad ng isa, “Sir, I am very proud of you and your achievements. I know this can happen. Even during our high school days, you showed much of your talents and skills. Again, congratulations.”

Komento naman ng iba, “Another great achievement sir. Congratulations po. A deserving award because you share your best with humility. God bless you with more.”

Image by Roderick Chiok Awingan via Facebook

Loading…