‘Turn around ka lang’: Reaksiyon ng cute na tuta sa ‘Total eclipse of the heart’, nagdulot ng tuwa

Screenshot mula sa YT video
  • Nakatutuwa ang reaksiyon ng isang cute na puppy sa kantang ‘Total eclipse of the heart’
  • Nagdulot ito ng saya at halakhak sa mga nakapanood sa Tiktok
  • Viral na rin ang video na umabot na sa mahigit 10 milyon ang views

Viral ngayon sa Tiktok ang video ng isang cute na tuta dahil sa kaniyang nakatutuwang reaksyon sa kantang ‘Total eclipse of the heart’ na pinasikat ni Bonnie Tyler.

Ang naturang video ay kuha noong Marso 15 ni Daniel Sutton ng Colorado, US, ang may-ari ng golden retriever puppy na si ‘Benny’.

Sa video ay makikita si ‘Benny’ habang nakikinig sa kantang ‘Total eclipse of the heart’ at umiikot kapag dumarating na sa bahagi ng ‘turn around’.

Screenshot mula sa YT video

Habang ginagawa ito ng tuta ay hindi naman mapigilan ng may-ari na mapahalakhak sa tuwa at kabibohan ng kaniyang alaga.

Kuwento ni Daniel, tinuruan nila si Benny ng trick na umikot nang pabilog sa magkabilang direksiyon sa pamamagitan ng instruction na ‘turn around’.

Isang araw umano ay nagba-browse sila sa Tiktok at napunta sa mayroong background music na ‘Total eclipse of the heart’.

“Benny started turning around when he heard the words, so we immediately jumped up and started filming,” bahagi ni Daniel.

Talaga raw matalino si Benny at madali itong turuan ng mga tricks tulad ng pag-bow, roll over, high five, shake, crawl, at down. Subalit hindi nila umano inaasahan ang magiging reaksiyon nito nang marinig na ang kanta.

“But he has never done one just by listening to a song. He is such a people-pleaser and just loves to make people smile,” kuwento pa ng may-ari.

CLICK to watch the YouTube video

Panoorin ang cute na video ni Benny sa YouTube. Iclick lamang ang imahe sa itaas.

Marami naman ang naaliw sa Tiktok video ni Benny na umabot na ng views sa mahigit 10 milyon.

“I love how the dog is doing what the song is saying,” ayon sa isang nagkomento.

“This…. this sparks joy,” dagdag naman ng isa pa.

Hindi naman inaasahan ni Daniel na magba-viral ang kanilang video subalit natutuwa sila dahil nagdulot ito ng saya at halakhak sa maraming nakapanood.

 

Loading…