US nagbigay ng P170-M para sa vaccination program ng Pinas; tulong sa COVID response umabot na sa P1.3-B

Imahe mula sa Facebook-US Embassy Manila
  • Nagbigay ang US ng P170-M para sa vaccination rollout ng Pilipinas
  • Maliban pa ito sa naunang P1.3-B na tulong sa mga proyekto ng DOH para sa COVID response ng bansa
  • Taliwas naman ito sa naunang pahayag ni Roque na walang natanggap na tulong ang Pinas mula kay ‘Uncle Sam’

Naglaan ang Estados Unidos ng karagdagang P170-M ($3.5-M) na ibibigay sa Department of Health (DOH) bilang pinansiyal na suporta sa vaccination roll-out ng gobyerno.

Ang tulong na ito ay ido-donate ng Washington sa Manila sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID). Dahil dito, umabot na umano sa halos P1.3-B ang naibigay na tulong ng Amerika para sa COVID response ng Pilipinas.

Imahe mula sa Facebook-US Embassy Manila

Ayon kay U.S. Embassy Chargé d’Affaires John Law, susuportahan ng USAID ang mga hakbang para palakasin ang  supply chain ng bakuna sa bansa, imo-monitor  ang kaligtasan nito at tutulong sa paghatid ng nararapat na impormasyon para mawala ang agam-agam sa pagpapaturok ng COVID vaccine.

Titiyakin din ng US na ang naturang tulong ay makararating sa mga local government units (LGUs) para sa maayos na vaccination rollout.

Screenshot mula sa Facebook-US Embassy Manila

“While the pandemic has tested our peoples and our economies, the strong bonds between Americans and Filipinos will help us rise above this challenge,” ayon sa pahayag ni Law.

“We will continue to fight this unprecedented global health crisis together,” dagdag pa ng US Embassy official.

Maliban sa donasyong ito, nagbigay din ang US ng $2-B o halos P97.2-B sa COVAX facility kung saan isa ang Pilipinas sa mga nakinabang ng libreng bakuna. Bukod pa ito sa kabuuang P1.3-B ($2.7-M) na nauna nang naibigay ng Amerika sa bansa sa iba’t-ibang proyekto ng DOH para tugunan ang krisis sa COVID-19.

Imahe mula sa US Embassy Manila

Tila, taliwas naman ito sa unang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala raw na nakuhang tulong ang Pilipinas sa Amerika lalo na pagdating sa bakuna.

“If the president did not come to power, our only BFF will be the Americans. Have we gotten a single vial of vaccine from the Americans? The answer is No,” pahayag noon ni Roque.

“So tanong ko sa maiingay na oposisyon na maka-Amerikano, nasaan ngayon si Uncle Sam?” dagdag pa ng tagapagsalita ng Palasyo.

Loading…