US naghihintay lang na humingi ng tulong ang Pinas vs. China – Envoy

USS Theodore Roosevelt Carrier Strike Group| Imahe mula sa Business Insider
  • Naghihintay lang daw ang US na humingi ng tulong ang Pilipinas
  • Ayon kay Romualdez, patuloy ang ugnayan ng Pinas at Estados Unidos
  • Nauna nang ipinadala ng US sa West PH Sea ang USS Theodore Roosevelt Carrier Strike Group

Naghihintay lang ang Estados Unidos na humingi ng tulong ang Pilipinas para palayasin ang mga sasakyang pandagat ng China na nakahimpil sa karagatang pag-aari natin; ito ang ibinahagi ni PH Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.

Sa kasalukuyan, ipinadala na ng Washington sa pinag-aagawang teritoryo ang kanilang USS Theodore Roosevelt Carrier Strike Group habang patuloy na nakikipag-ugnayan sa AFP.

Amb. Romualdez| Imahe mula sa US-PH Society

Nagpadala naman ang Pilipinas ng apat sa pinakamodernong warships ng Navy kabilang na ang dalawang brand-new missile-guided frigates na BRP Jose Rizal at BRP Antonio Luna upang bantayan ang Chinese Coast Guard sa Julian Felipe Reef.

“We are working round the clock, so to speak, in terms of being able to navigate or make sure that there’s the freedom of the seas, and code of conduct that we’re pushing,” ani Romualdez sa isang press briefing nitong Martes.

Bukod dito, hinihintay lang daw ng US ang tawag ng Pilipinas para tulungang maitaboy ang Tsino sa karagatang sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

USS Theodore Roosevelt Carrier Strike Group| Imahe mula sa Wikipedia

“At the same time, the United States is obviously waiting for us to call them if we need their assistance in removing or asking the vessels that are parked in our area of responsibility, our economic zone [to leave],” dagdag pa ng PH envoy.

Samantala, tumanggi naman si Presidential Spokesperson Harry Roque na magbigay ng komento sa naging pahayag ni Romualdez dahil hindi niya umano tiyak kung ano ang ibig sabihin ng US.

Imahe mula sa PCG

“I don’t want to put words in his mouth,” maikling sagot ni Roque.

Nitong Lunes sa kaniyang televised address, nangako si Pangulong Duterte na ipapadala niya ang ilang warships ng Pinas kapag nagsimula nang mag-drill ng langis ang China sa WPS.

Aminado rin ang presidente na magiging ‘madugo’ ang solusyon sa hidwaan ng Pilipinas at China kapag nagkataon.

Loading…